Viral ngayon sa social media ang post ng isang customer na may reklamo sa isang sikat na fastfood chain.
Sa Facebook post ni Alex Lim, ibinahagi niya ang ilang larawan ng inirereklamong chicken sandwich.
Narito ang buong caption ng nasabing post:
“I was so excited to order and try the new Jollibee Chick’n Sandwich. I even ordered thru their app.
“And here it is. UNANG KAGAT HILAW LAHAT!!!
“SHOUTOUT Jollibee FOR THIS SH*TTY FOOD. 🤦🏻♂️”
Ang inirereklamo niyang chicken sandwich ay isang bagong produkto ng nasabing fastfood.
Matatandaang kamakailan lamang ay naging sentro rin ng kontrobersiya ang nasabing fastfood dahil sa isa ring reklamo ng customer tungkol sa inorder na fried chicken na naging “fried towel.”
Dahil dito, muling umani ng samu’t saring reaksiyon ang panibagong reklamo ng nasabing customer.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).
“Oh no! Ayan na naman! Di na ba sila natuto?”
“Siguro sobrang frozen pa yan tapos iniluto na kaya nagkaganyan.”
“Another issue na naman. Pag-uusapan na naman si bubuyog.”
“Talaga bang lahat ng reklamo ay dapat idaan pa sa social media?”
“Sana kinontak mo na lang muna yung branch na inorderan mo tungkol dyan.”
“Excited pa naman akong tikman yang bagong chicken sandwich nila.”
“OMG! Totoo ba yan? From fried towel to hilaw na chicken real quick!”
“Grabe naman sila. Di ko ma-imagine kung ako ang nakakagat niyan. Haha”
“Totoo ba yan? Panong mangyayari ang ganyan?”
“Di nila mapapansin yan kasi mukhang maayos naman ang labas.”
“Marami na naman magsasabi na sinisiraan lang yan. Hehe”
“Kung ako rin ang customer, ipopost ko yan sa social media.”
“Hindi naman pagpapasikat yang ginawa ni kuya. Awareness yan para sa mga kagaya nating customer.”
“Mas madaling magreklamo sa social media. Kasi pag nag-viral, siguradong mapapansin ng inirereklamo.”
“Wala namang masama sa pagpopost sa social media. Parang documentation na rin yan.”
As of this writing, mayroon nang 25K shares at 14K comments ang nasabing post.
Bisitahin ang nasabing post dito.