Pinoy Big Brother, nagsalita na tungkol sa isyu ng harassment; netizens, hindi sumang-ayon

Naglabas na ng pahayag ang ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother (PBB) kaugnay ng alegasyon ng netizens at viewers nito kamakailan.

Ilang araw na rin kasing usap-usapan sa social media ang umano’y hindi magandang pakikitungo ni TJ Valderrama sa kapwa-housemate na si Shanaia Gomez.

Ayon sa PBB, hindi umano palalagpasin ni Kuya ang isyung ito.

“Ang harassment ay isang bagay na hindi palalagpasin ni Kuya kailanman lalo na’t kung ito ay may patunay. Ngunit mismong mga housemates na ang nagsabi na walang anumang nagaganap na ganito sa loob ng bahay.

“Nawa’y mas maging mapanuri at responsable ang lahat sa social media at wag manghusga lalo na kung hindi sapat at tama ang konteksto at impormasyon.”

Nag-ugat ang nasabing usapin nang kumalat sa social media ang ilang video clips na kuha mula sa livestreaming ng nasabing show.

Panoorin ang isang eksena dito.

Matapos ipalabas ang pahayag ng show, muling naglabas ng saloobin ang netizens tungkol sa isyu.

Narito ang ilan sa kanilang tweets.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!