Kinaaliwan ng netizens ang isang blooper o pagkakamali ng isang news reporter habang nag-uulat ng lagay ng panahon.
Viral ngayon sa social media ang nasabing video clip at patuloy na umaani ng views at mga komento mula sa netizens.
Sa nasabing video clip, mapapanood ang reporter na seryosong nagbibigay ng ulat-panahon.
Ngunit sa halip na “sama ng panahon” ay “sama ng loob ang nasabi niya.
“Sa kasalukuyan po, ayon sa PAG-ASA, wala po silang namo-monitor na sama ng loob…
“…ng low-pressure area po dito po sa loob ng Philippine area of responsibility…”
Bahagya pa siyang napatawa nang mapagtanto niyang nagkamali siya ng sinabi.
Napigilan naman niya ang tuluyang pagtawa at matagumpay pa ring natapos ang pag-uulat.
May ilang netizens na nag-upload ng nasabing video sa Twitter at maging sa TikTok.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens tungkol dito.
“Kung ako yan, baka tumawa na ko nang malakas at di na ko nakapag-report.”
“Ayos din si reporter ah. Pigil tawa is real.”
“Mahirap din kayang magpigil ng tawa kapag tawang tawa ka na.”
“Naalala ko tuloy si Mang Tani sa 24 Oras.. Hahahaha”
“Kudos kay reporter na nagawa pang tapusin ang report. Hahaha”
“Tama naman siya ah. Dapat minomonitor din ang sama ng loob. Lol”
“Buti hindi siya tuluyang natawa. HAHAHAHA”
“Paulit ulit ko nang pinanood pero tawang tawa pa rin ako.”
“Mang Tani left the group. Hahahaha”
“Me as a weatherman. Hahaha”
“This made my day. LOL”
“Ang galing din magpigil ng tawa ha. Di ako maka-relate.”
“Hu u na daw si Mang Tani. Hahahaha”
“Nawala ang antok ko dahil sa sama ng loob. Haha”
“May mga pagkakamali talagang nakakapagbigay ng good vibes. Hehe”
“Kaway-kaway sa mga natawa rin habang pinapanood ito.”
“Nagising ako sa pagtawa. hahahaha”
“Yung nagkamali kang ganyan tapos patatawanin ka pa ng kaibigan mo. Hahaha”
“Nakaka-miss ang mga alala ng reporting noong high school. Yung seryoso ka tapos may magpapatawa pag nagkamali ka.”
Walang tatawa, ang tumawa hindi ko na bati. ðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜ pic.twitter.com/J4LNFcf92u
— mon jocson (@ramonjocson) November 16, 2021