Viral ngayon sa social media ang video na kuha sa isang sikat na buffet restaurant sa isang mall sa Quezon City.
Sa video na ipinost ni TikTok user machichay09, makikita ang mga lagaw na nakadapo sa ilang pagkain sa nasabing restaurant.
Ayon sa caption ng nasabing post, nakapag-email na ang netizen sa management ng restaurant tungkol sa insidente.
“We emailed their management pala about this.”
Dagdag pa niya, nagdesisyon siyang i-post ito sa social media dahil nagkaroon din ng kaparehong karanasan ang isang kaibigan niya.
“I have to post this bc this happens last 2 weeks then my friend is having his lunch here yesterday.
“I asked to check if malangaw pden sadly YES. So that made me decide to post it. It’s for awareness.
“Sa mga okay pang kumain ng itlog ng langaw at galut sakin sorna. Pero as for us, one to two warnings is enough.
“Sorry but not sorry.”
Hati naman ang opinyon ng netizens tungkol sa pagkaka-upload ng video.
Para sa ilan, hindi na dapat ito umabot pa sa social media kung maaari namang ayusin nang personal.
Depensa naman ng ilan, nararapat lang na i-post ito para na rin sa awareness na lahat.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).
“Tama lang din namang i-post since vikings is nearly expensive, kaya we expect the best service possible.”
“Karapatan mo mag complain ma’am. Lalo na ang mahal ng bayad sa service nila. You have to get what you really deserves.”
“Bakit parang kasalanan niya kung videohan at ipost? Ikaw ba naman nagbabayad ng mahal sa kakainin mo tapos ganyan? QUALITY dapat dahil hindi mura yan.”
“Langaw carries 300,000 counts of bacterias just to tell you. This video brings awareness po”
“Daming nagsasabi may mawawalan ng trabaho. may mawawalan talaga kasi di nila inaayos ang trabaho nila😏”
“based sa comments section, halatang maraming consumers ang di alam ano mga karapatan nila.”
“vikings po yn at hindi karendirya..dpt mataas standard nla pg dating s s sanitation😏😏😏n”
“Hindi ako naaawa sa mismong may ari ng resto or mga company na ginagawan ng ganito. sa crew ako naawa🥺sa kanila lahat bagsak ng galit”
“Kung di nya ipopost yan, mauulit at mauulit lang yan, kawawa naman yung makakaen ng nadapuan ng langaw! Ang mahal ng buffet”
“Just inform the management about the issue. They will address your concerns naman. I’m also in this industry. Di lang po brand masisira nito.”
“Lack of trainings sa food and hygiene ng management sa employees nila.”
“I support you for doing this. Nothing wrong to make future customers aware. Reporting it to management does not guarantee that they will do something”
“daming nag sasabi na madaming mawawalan ng trabahu panu nmn ang mawawalan ng buhay pag magsakit?”
Panoorin ang nasabing video dito.
@machichay09We emailed their management pala about this. ##fyp ##zyxcba ##sharethecare