Nag-viral sa social media ang isang video footage ng aktuwal na pagnanakaw umano ng iconic na globe ng SM Mall of Asia (MOA) sa Pasay City.
Sa Facebook post ni Chester Allan Tangonan, makikita ang video footage na kuha ng kanyang dashcam.
Sa caption, sinabi niyang tinatangay ang MOA globe.
“Spot niyo to guys!!!
“Nakunan ng dashcam ko ngaun lang na tinatangay yng moa globe!
“Ano yon??”
Mabilis namang nag-viral ang nasabing video at umani ng iba’t ibang reaksiyon ng netizens.
Naging top trending topic din sa Twitter ang sinasabing pagkawala ng MOA globe.
Naglabas na rin ng official statement ang pamunuan ng MOA hinggil sa nasabing insidente.
“SM Mall of Asia is currently working with authorities in investigating the MOA Globe incident.
“With our security measures in place, rest assured that SM Mall of Asia continues to be a safe space for your family and friends.”
As of this writing, wala pang inilalabas na ibang detalye hinggil sa pangyayari.
Samantala, patuloy pa rin itong usap-usapan sa social media.
Hati ang opinyon ng netizens hinggil dito.
Ang ilan ay nagsasabing isa lamang itong gimik o marketing strategy ng nasabing mall para mapag-usapan ng publiko.
May ilan namang nagsasabing maaaring inaayos lamang ito bilang paghahanda sa parating na Christmas season.
May mga nagsasabi rin na tila mahirap paniwalaaan na mawawala o mananakaw ito nang ganoon na lang.
Samantala, patuloy na humahakot ng views ang video footage ng nasabing ‘pagnanakaw.’
As of this writing, mayroon na itong 1.3 million views.
Panoorin ang nasabing video dito.
Narito naman ang ilan sa mga komento ng netizens hinggil sa nasabing video.
”Baka hiniram lang. Isosoli din. Hahaha”
”Baka tinangay ng minions yan.”
”Di mo kami maloloko, MOA. Obvious na gimik lang lahat.”
”Ang dilim ng video. Wala naman akong makita. Hahaha”
”Masyado raw madrama sa politika kaya ayan, nag-dram rin ang MOA. Hahaha”
”In fairness, kakaibang gimik yan. Nice idea.”
”Makapunta ngang MOA para itsek kung wala na talaga dun.”
”Baka pulitiko ang kumuha. Wala na sigurong pondo kaya ibebenta nila yan. Hahaha”
”Ano bang meron sa video? Di ko makita. HAHAHA”