Kuya Kim Atienza, tinawag na “sakit ng ulo” ang It’s Showtime?

Naging palaisipan kamakailan sa netizens ang tila malamang komento ni Kim Atienza tungkol kay John Prats.

May kinalaman kasi ang nasabing komento sa pagiging direktor na ngayon ni John sa ABS-CBN primetime series na FPJ’a Ang Probinsyano.

“Nothing is an accident mars Camille. Galing ni Lord no? Iniwas siya sa sakit ng ulo.”

Ito ang naging komento ni Kuya Kim sa post ni Camille Prats na kapatid ni John.

Si Kuya Kim ay co-host na ngayon ni Camille sa GMA show na Mars.

Tila hindi naging maganda ang dating ng nasabing komento sa ilang Kapamilya fans.

Ayon sa ilan ay tila pagpaparinig o pagpapatama umano ito sa mga dati niyang kasamahan sa ABS-CBN noontime variety show na It’s Showtime.

Naging pansamantalang direktor ng nasabing noontime show si John Prats kamakailan.

Nagkaroon lamang ng conflict sa schedule ng It’s Showtime na isang daily show sa role nito sa Ang Probinsyano na kailangan naman ng lock-in taping.

Ito marahil ang pinanggagalingan ng komento ng ilang netizens sa sinabi ni Kuya Kim na “iniwas sa sakit ng ulo.”

Isang netizen ang nag-comment at inihalintulad si Kuya Kim sa dating direktor na It’s Showtime na si Bobet Vidanes.

“Sakit ng ulo? Deritsahin muna kaya mention yan kuya kim parang my something ang lalim ng salita mo eh… Parang katulad Kadin Po Nung isang director na umalis Ng showtime kukuda na pag Wala na sa show Nila backstabber Kadin koloka.”

Nagpaliwanang naman si Kuya Kim sa naging komento niya.

Aniya, hindi niya intensiyon na paringgan ang It’s Showtime family gaya ng naging dating sa ilang netizens.

Ang pinatutungkulan niya umano ay ang sakit ng ulo ng pagiging direktor ng isang noontime show.

“Hi guys I didn’t mean anything personal with what I commented. Being a friend of Direk Bobet, I know how difficult it is to direct a live show like showtime.

“Masakit talaga sa ulo, so many factors like live audience feedback, multitasking w a skeleton crew etc. I love my showtime family and will never say anything bad about them.

“I edited na my comment on camille’s page because it’s causing shade. walang shade yun guys. Mahirap talaga to direct ang it’s showtime.”

Isa si Kuya Kim sa original hosts ng It’s Showtime kasama sina Vhong Navarro, Anne Curtis, Jugs Jugueta, Teddy Corpus, at Vice Ganda.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: