Viral ngayon sa social media ang isang video na kuha ng isang delivery rider.
Sa video na ipinost ng facebook page na Dino Moto, makikita ang isang lalaking customer na nakikipagtalo sa delivery rider.
Mapapanood sa video ang pangongompronta at panenermon ng nasabing customer na isa palang ex-army sa delivery rider.
Inirereklamo ng customer ang dumating na parcel na peke umano.
Magalang namang ipinaliwanag ng delivery rider ang papel niya bilang taga-deliver lamang ng mga parcel.
Ipinaliwanag din nito na wala siyang pananagutan sa item at hindi pupuwedeng buksan ng customer ang parcel hangga’t hindi pa ito nababayaran.
Magiging pananagutan na kasi ng rider ang parcel sa oras na buksan ito ng customer kahit di pa bayad.
Ipinaliwanag pa ng rider na maaari namang kontakin ng customer ang seller tungkol sa mga concern nito sa item.
Subalit tila hindi tinatanggap ng customer ang anumang paliwanag ng rider.
Dito na nagpakilala ang customer bilang isang colonel ng military.
Narito ang kabuuan ng nasabing post.
“Isang ex-Army daw na may asawang ex-Kapitan binantaan na babrilin ang isang rider matapos ang nadeliver nito ay peke raw.
“Nagmura pa ito at sinabing marami na daw syang npatay sa kanilang lugar at sinabi pa ng ex-army na paptayin nya daw ang susunod na rider na magdedeliver ng peke sa kanila.
“PASIKATIN PO NATIN SI COLONEL LERIA RAW.”
Agad namang nag-viral ang nasabing post at umani ng reaksiyon ng netizens.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).
“Entitled person? Conduct unbecoming of public officer.”
“di naman kasalanan ng rider yon!? sya ba ang seller?? sya lang taga deliver ng parcel mo palibhasa mtanda ka na at walang alam sa pag online shopping.”
“sra ulo yang mamang oorder tapos yung delivery boy ang pagagalitan. sikat ka ng matanda ka.”
“Hirap mag explain s Senior na nagmamagaling.”
“kawawa mga rider, para sa kaalaman po ng lahat once na hindi kinuha ng customer ung parcel charge un sa rider kawawa naman ung rider nag aksaya ng gasolina charge pa sa kanila, d naman kasalanan ng rider un maling parcel pwede naman magreklamo sa seller at magrequest ng refund ibabalik nman nila un kung mali talaga yung nadeliver.”
“Baka hindi rin alam ni sir na tagadeliver lng tlga cla, bka akala nya sa kanila na rin galing ung items”
“Dapat nga bigyan ng karapatan ang rider na buksan muna nila bago ideliver kasi dami na seller na scamer at ang mga rider ang na si si kawawa”
“Huy hindi yan kasalanan ng delivery driver.isip2x naman po kayo naghahanap buhay lang yung tao.”
Panoorin ang nasabing video dito.