#PBBUnfair, trending matapos ireklamo ng netizens ang umano’y ‘pandaraya’ sa Pinoy Big Brother

“Mga kapamilya, sa puntong ito pansamantalang isasarado muna ang botohan sa kumu, dahil may bagong kapangyarihan na ibibibigay si Kuya sa Kumunity! Pero maaari pa rin kayong bumoto sa pamamagitan ng text votes, tuloy-tuloy lang ‘yan Kapamilya!”

Ito ang naging announcement kahapon sa Pinoy Big Brother na ikinagulat ng mga viewers ng nasabing reality show.

“Isang dagdag na kapangyarihan nga ang ibibigay ni Kuya sa Kumunity! Simula mamayang 8pm ay muling magbubukas ang botohan and this time unlimited ang suporta na pwede niyong ibigay via Kumu app dahil you can VOTE ALL YOU CAN na Kumunity!

“Ibig sabihin pwede na kayong magpadala ng kahit ilang virtual gifts sa housemate na sa tingin niyo ay karapat-dapat pang manatili sa loob ng bahay. Habang one vote per sim per day pa rin ang sa text votes. Kaya naman simulan niyo na ang pag-vote wisely Kapamilya!”

Tila hindi naman nagustuhan ng ilang netizens ang nasabing pagbabago sa mechanics dahil ginawa ito sa kalagitnaan na ng botohan.

Nagsimula ang botohan para sa second eviction ng reality show noong Linggo, November 7.

Ginawa ang pagbabago sa mechanics kahapon, Huwebes, November 11.

Ang resulta ay iaanunsiyo naman sa Sabado, November 13.

Mabilis na naging trending topic sa Twitter ang #PBBUnfair kasunod ng paglalabas ng hinaing ng mga tagasubabaysaby ng reality show.

Narito ang ilan sa tweets ng netizens.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: