VIRAL: Toyo at tseke worth 1 million pesos, iniregalo ng bride sa kanyang groom

Usap-usapan ngayon sa social media ang kakaibang regalo ng isang bride sa kanyang groom.

Sa halip na mamahaling regalo kasi ang ibinigay ng bride na si Eufra Ednalino Farenas, toyo at isang post-dated na tseke ang regalo niya sa mapapangasawa.

Una na raw nilang napagdesisyunan na huwag nang magregalo sa isa’t isa.

“We both decided na wag na magregalo sa isa’t isa.

Pero sabi ko sa sarili ko parang ang panget naman kung wala akong gift and so ayun I suprised him, yan ung naisip ko toyo kasi parang every woman naman parang normal na satin yun at gusto ko sa umpisa plang matanggap na nia ung toyo 😂

Maliban sa toyo na ayon sa kanya ay simbolo ng pagtanggap ng groom sa kanyang “toyo,” naglakip rin siya ng isang post-dated check.

Ang tseke na may halagang isang milyong piso ay may petsang October 14, 2071 o limampung taon pagkatapos ng kanilang kasal.

“then naglagay ako ng 1M check dated on our 50th wedding anniversary.

“Kasi gusto ko iparating saknya na ngaun plang I’m looking forward on reaching that date regardless sa 1M.

“Then hindi ko inexpect na sobrang matutuwa ung asawa ko  dun and I think that would be more than a million peso or any expensive gifts na binibigay ng mga bride sa groom nila kasi sobrang priceless ung happiness nia nung time na yun☺️”

Mabilis na nag-viral ang nasabing mga larawan at umani ng iba’t ibang komento ng netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Mapapa-sana all ka na lang talaga.”

“Wala yan sa jowa ko na araw-araw ang ibinibigay na toyo sa akin. Haha”

“Naku dapat paabutin talaga ni mister sa 2071, sayang ang isang milyon.”

“Mukhang sigurista si misis ah. Hahaha”

“More than 1 million pesos, mas naaliw ako sa toyo. Hahaha”

“Relate much ako sa toyo na dapat tanggapin ng mga lalaki. Haha”

“Nice idea sa toyo. Naaliw ako.”

“Paano kung di umabot ng 50 years? Hahaha”

“Kapag tinotoyo ang misis mo, alalahanin mo lang na may isang milyon ka. Haha”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: