Jake Cuenca, dinalaw ang delivery rider na tinamaan ng bala sa insidenteng kinasangkutan niya

Nagbigay ng oras ang si Jake Cuenca upang bisitahin ang delivery rider na tinamaan ng ligaw na bala nang magkaroon ng engkwentro sa pagitan ng aktor at ng mga pulis noong nakaraang buwan.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng aktor ang ilang larawan sa ginawa niyang pagbisita.

Sa caption, nagpasalamat siya sa pagkakataon na makadalaw dito.

“Masaya ako na nagkaroon ako ng pagkakataon na madalaw si eleazar martinito ang grab driver na nasaktan sa isang insidenteng hindi ko malilimutan.”

Nagpasalamat din siya sa mga pulis na tumulong sa kanya upang makilala ang delivery rider.

“Taos pusong pasasalamat sa mga pulis na tumulong sa iyo at naging tulay para makilala kita.

“Labis ang aking pasasalamat sa Panginoong Diyos na nasa maayos kang kalagayan kasama ang iyong pamilya.

“Hangad ko ang iyong patuloy na kaligtasan at nawa’y makabalik agad sa iyong trabaho.

“Nandito lang ako para sa’yo Ely!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca)

Matatandaang nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng aktor at ng mga pulis noong nakaraang buwan.

Hinabol ng mga pulis ang sasakyan ni Jake matapos umano nitong masagi ang sasakyan ng mga pulis.

Dahil hindi ito huminto, pinaputukan ng mga pulis ang gulong ng sasakyan ng aktor.

Tinamaan ng ligaw na bala ang delivery rider na si Eleazar Martinito.

Ayon kay Jake, papunta siya noon sa bahay ng kapwa ABS-CBN actor na si Paulo Avelino nang mangyari ang insidente.

“For me, in that moment, I was thinking, I was fearing for my life.”

Paliwanag niya, hindi nakauniporme ang mga pulis kaya nagdalawang-isip siya kung ano ang tamang gawin.

“When you have civilians flagging down my car, armed civilians, flagging down my car with unmarked vehicles, my instinct talaga was to not stop, to go forward, to just get away from trouble.

“Hindi ko talaga naramdaman yung ano, e, yung side-swipe, e, naguguluhan din kami kung sa’n nangyari yung bangga.

“Kasi in my car, there’s no paint from anywhere, there’s no damage in my car, aside from the damage that was caused by the gunshots.”

Dagdag pa niya, naintindihan naman daw niya ang ginagawang operasyon ng pulisya sa nasabing lugar noon.

Kumalma lamang daw siya nang marinig na ang sirena ng pulisya at makakita ng mga unipormadong pulis na pumara sa kanya.

Nagulat na lamang daw siya nang malamang siya pala ang hinuhuli ng mga pulis at hindi ang mga sibilyang nagpaputok sa kanyang sasakyan.

“I followed due process… Hindi ako nanlaban. Hindi ko sila pinahirapan.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!