Albie Casiño, nairita kay Alexa Ilacad: “Napaka-walang hiya mo naman, lahat tayo dito gutom.”

Usap-usapan ngayon sa social media ang tensiyon na namumuo sa pagitan sa dalawang Pinoy Big Brother (PBB) housemates na sina Albie Casiño at Alexa Ilacad.

Kasunod ito ng pagkapanalo ng mga housemates sa isang weekly task kung saan nabigyan sila ng pagkakataon na i-budget ang kanilang food supplies sa mga susunod na araw.

Dahil dito, hiniling ni Alexa na isama sa budget ang peanut butter.

Ito naman ang tila naging mitsa ng pagkairita ni Albie sa aktres.

Ayon sa mga naging pahayag ni Albie nang minsang makapag-usap sila ng isa pang housemate na si Eian Rances, hindi siya papayag na isingit ang peanut butter sa budget.

“Hindi talaga, please, no. I will fight someone for that.”

Para naman kay Madam Inutz, pinaghirapan naman ni Alexa ang weekly task at nararapat lamang na magkaroon ito ng treat sa sarili.

Dagdag pa niya, lahat naman daw sila ay makikinabang doon.

Katwiran naman ni Albie, ang presyo ng peanut butter ay katumbas na ng isang kilo ng manok.

“Medyo ayoko kung paano siya umasta dito sa bahay. Hindi niya bahay ‘to. Kailangan niyang alalahanin ‘yan.

“Ano, porke’t matagal na siya sa industriya, ganyan na siya umasta?

“Matagal na rin naman ako sa industriya, hindi naman ako ganyan umasta.”

Pinayuhan naman siya ni Eian na maging mapagpasensiya na lamang kay Alexa para maiwasan ang anumang iringan.

“Dude ayoko siya kung paano siya umasta rito.”

Ikinuwento rin ni Albie ang isang insidente na hindi niya nagustuhan ang ginawa ni Alexa.

Bigla raw siya nitong itinulak ng aktres at sinabing “mine” ang noo’y pinapainit nitong tsaa.

“Hassle pa kasi siya ‘yung pinakakilala ko dito. Happy pa ako noong una na makakasama ko siya tapos siya pa pala ‘yuny pinakairita ako sa lahat.”

Sa usapan naman nila Albie kasama ang housemates na sina Kyle Echarri at TJ Valderrama tungkol naman sa pagtatago ni Alexa ng pagkain,

“Napaka-walang hiya mo naman, lahat tayo dito gutom.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: