Cristy Fermin sa naudlot na career ni Albie Casiño: “Siya sana ang Daniel Padilla ngayon.”

Hindi maiwasang magkomento ng showbiz columnist na si Crsity Fermin tungkol sa naudlot na career ng aktor na si Albie Casiño.

Naging mainit na usapin kasi ulit ito nang maungkat sa mga pahayag ng aktor ang lumang issue nila ng ex-girlfriend na si Andi Eigenmann.

Ayon sa kolumnista, naaawa siya kay Albie.

“ako naman ay naaawa kay Albie. Alam ko kasi ang storya niyan eh.

“Siya dapat si Daniel Padilla ngayon.”

“Siya dapat ang kapareha ni Kathryn sa malaking produksyon ng Star Cinema.

“Pero nung pumutok ito, humanap ulit sila. Parang ganun.

“At si Daniel Padilla nga ang nakuha ng pa-audition.

“So syempre sa puso ng isang tulad ni ano, ang laki-laki dapat ng ginenansya ko sa buhay na ‘to. Pero nawala dahil sa isyu na ‘yan.

“Eh ang dulo, hindi naman pala siya ang tatay.”

Ang tinutukoy ni Cristy ay ang pagtuturo ni Andi kay Albie bilang ama ng ipinagbubuntis nito noon.

Naging malaking eskandalo ito noon sa career ng papasikat na sanang si Albie.

Nanghingi noon ng DNA test ang aktor para mapatunayan na siya nga talaga ang ama ng anak ni Andi.

Tinaggihan naman ito ng kampo ng aktres at binatikos pa ang aktor.

Unti-unti nang nakikilala ang aktor noon dahil sa tagumpay ng tandem nila ni Kathryn Bernardo sa Mara Clara.

Magkakaroon pa sana sila ng pelikula at teen-oriented series.

Naudlot ito dahil sa nasabing kontrobersiya.

Pinalitan siya ng aktor na si Daniel Padilla bilang ka-partner ni Kathryn sa series na Growing Up.

Dahil nga sa kontrobersiya, tila nawala kay Albie ang oportunidad na mas makilala at patuloy na sumikat.

Tila huli na ang lahat nang mabunyag sa publiko na hindi naman pala talaga siya ang ama ng panganay ni Andi.

Kamakailan nga ay naging matapang ang pahayag ni Albie na kailanman ay hindi humingi ng paumanhin si Andi sa pagkakadawit ng pangalan niya sa kontrobersiya noon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: