“Mga kapatid ko sa industriyan ngaun ko napatunayan na wala kayong pag ibig sa akin”
Ito ang naging pahayag ng character actor na si John Regala sa kanyang Facebook account.
Wala nang ibang detalye kung bakit niya nasabi ito.
Ngunit kung titingnan ang mga nauna pang post dito ay makikita ang mensahe niya sa mga kapwa niya artista.
Humihingi siya ng tulong para sa kanyang operasyon.
“Mga kapwa kapatid *ko na artista sana po huwg nio ako tiisin maging lumpo
“Sana po tulungan nio po ako makalakad pa po ako marami napo gustong na malapit kong kaibigan ko at mga netizen namaymatulungin puso ayoko pong maging inutil tulungn nyo po ako kung magkano lang po ang maibabahagi nyo malaking tulong na po yun itanong nyo lang po gcash accct ko”
Kumalat din noon sa social media ang isang larawan ng aktor na nagpapakita ng kanyang kalagayan.
Ayon sa netizen na nag-post ng larawan, nasa ospital ang aktor at nangangailangan ng tulong-pinansiyal.
Nag-post din ang aktor noon ng isang madamdaming open letter para sa kanyang mga naging kasamahan sa industriya.
Narito ang kanyang post (published as is).
“Mahal kung mga kapatid sa industria .ito’y bukas na liham sanay ma unawa an niyo ang nilalaman ng liham na ito.
“mahigit tatlong dekada naring akong artista at ng bigay ako ng kasiyahan at karangalan sa industria ng pilikula .nag bigay karangalan sa pilikulang pilipino marami naring akong ibahagi sa mga bida at kuntrabida man ng pinilakang tabing .
“kaya ako nmn po ang na ngangailangan po sa ngayon sana po wag namn akon ipahiya sa hihilingin sa inyo .ngayon namn po ako humingi ng tulong sa ating guild .
“Sa mga na silbihang kung network humawak sa aking artista at viva mga movie producer at sa aking napanglingkuran na bigyan ko po ng swerte at dahil sa aking kakayahan .hinahangaan ang inyong mga pilikula.
“Ako po ay na accidente na balian po ako ng gulugod at kapag hindi na operahan ako po ay malulumpo habng buhay .alam ko po mabubuti amg inyong kaluoban at hindi niyo ako tatangihan sa aking kahilingan mag tulong tulong nmn po tayo para ma operahan upang muling maka lakad.
“Ayaw ko po pumanaw na inutil lalo na sa mga harapan ng mga taong akala ko ay habang buhay kung makakasama.”
Basahin dito ang kabuuan ng nasabing post.