Jaclyn Jose, kinuyog ng netizens matapos ang pahayag laban kay Albie Casiño

Tila hindi nakuha ng aktres na si Jaclyn Jose ang simpatiya ng netizens matapos niyang pagbantaan si Albie Casiño.

“YOU want the truth? Gusto mo sabihin ko in public pano mo bugbugin anak ko? Kahit buntis? Try moko.” 

Si Albie ang ex-boyfriend ng anak niyang si Andi Eigenmann na itinuro nilang ama noon ng panganay na anak ni Andi.

Ipinost ni Jaclyn sa Instagram ang nasabing mensahe para kay Albie kasunod ng pagbubunyag ng aktor na hindi kailanman humingi ng apology sa kanya ang dating kasintahan.

Sa ngayon ay burado na ang nasabing post at wala nang naging kasunod na pahayag mula kay Jaclyn.

Ngunit sa halip na makakuha ng simpatiya ng publiko, tila mas kinampihan ng netizens ang aktor.

Karamihan ng komento at tweets ng netizens ay ipinagtatanggol ang aktor.

Narito ang ilan sa mga tweets.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: