Lolit Solis, pumalag sa kantiyaw ng netizens na nalusutan siya nina McCoy De Leon at Elisse Joson

Sinagot ng showbiz columnist na si Lolit Solis ang pangangantiyaw ng ilang netizens sa kanila ng kaibigang si Cristy Fermin.

Ito ay matapos umanong makalusot sa radar ng nilang dalawa ang balita ng pagkakaroon ng anak ng former Pinoy Big Brother (PBB) housemates na sina McCoy De Leon at Elisse Joson.

Kamakailan kasi ay bumalik sa PBB house ang dalawang housemates upang ibahagi kay Big Brother ang balita na mayroon na silang anak na babae.

Dahil dito, ilang netizens ang nagkomento at nagtanong kung bakit nakalusot sa dalawang kolumnista ang balitang ito.

Narito ang pahayag ni Lolit hinggil dito.

“Natawa ako sa mga comments sa IG ko, Salve. Bakit daw wala akong balita tungkol sa pagbubuntis ni Elisse Joson, ang hina daw ng radar ko, dahil nagka anak ng baby girl pero hindi ko nalaman. Kalokah di bah ?

“Pag ibinalita mo, sasabihin pakialamera at tsismosa ka. Pag hindi mo sinulat, mahina kang klase ng reporter.

“Kaya nga ayoko ko ng take seriously iyon mga comments. Pero meron magalang at constructive na talagang grateful ako dahil dagdag knowledge din sa iyo na mabasa ang comment nila.

“Tutoo nga na donโ€™t waste your time sa mga mahina ang comprehension dahil wala kang matututuhan, duon ka lang makipag usap sa mataas ang mental level para dagdag talino pa.

“Gusto ko batiin sila Elisse Joson at McCoy de Leon, dahil buong tapang nila inamin ang tunay nilang estado.

“Kinuha nilang ninong ng baby girl nika si Direk Lauren Dyogi dahil gusto nila manahin ng baby ang wisdom ni Direk Lauren Dyogi. Bongga. Iyan dapat ang pipili ng ninong at ninang, iyon may manahin maganda iyon baby nyo. Congrats again.”

Narito naman ang ilan sa mga tweets ng netiznes hinggil dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: