Bahay ni Paolo Ballesteros sa Antipolo, hinangaan ng netizens

Ibinahagi ng TV host-actor na si Paolo Ballesteros sa social media ang larawan ng kanyang bahay sa Antipolo.

Sa kanyang Instagram account ay magkasunod ang post niya ng larawan ng nasabing mansiyon.

Ipinakita niya ang itsura ng bahay sa araw at sa gabi kung saan agaw-pansin ang disenyo nito na tila isang malaking Chrsitmas gift dahil sa isang malaking ribbon.

Mabilis na pinag-usapan sa social media ang nasabing mga larawan.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens tungkol dito.

“Wow! Panalo!”

“Kabog ang SM malls sa pagiging bongga!”

“Nakaka-good vibes makakita ng ganyan sa panahon ng pandemya.”

“Ang sarap siguro magkaroon ng ganyan. Worth it ang pagod.”

“Pwede bang mangaroling dyan? Haha”

“Sana all mapera at maganda ang bahay.”

“Congrats, Paolo. Deserve mo ang ganyan kagandang bahay dahil masipag kang magtrabaho.”

“Tara dyan sa Pasko. Hahahaha”

“Yung pag nakakakita ako ng ganyan kagandang decors, napapakanta na lang ako bigla ng Jingle Bells sabay katok sa gate.”

“Alam na kung saan mangangaroling. Char!”

“Hanggang sana all na lang tayo. Hehe”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: