Aljur Abrenica: “I’m not proud sa mga nasabi ko, feeling ko nasadsad na”

Sa isang interview kay radio host Jobert Sucaldito, ibinahagi ng aktor na si Aljur Abrenica ang kanyang saloobin hinggil sa kontrobersiyang bumalot sa hiwalayan nila ng asawang si Kylie Padilla.

“Magkaibigan talaga kami. Kung titingnan niyo sa sampung taon na pagkakakilala namin ni Kylie, magkaibigan talaga kami.

“I think sa 10 years, I know she knows this, we’re best friends.

“Kasi ‘yung isa’t isa ‘yung takbuhan namin noon.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica)

Inamin ng aktor na hindi niya basta-basta malilimutan ang 10 taon na pagkakaibigan nila ni Kylie.

“Iba lang ‘yung sitwasyon ngayon.

“Pero ako, I’m open kasi hindi mo puwedeng kalimutan ‘yung sampung taon niyong pagkakaibigan.”

Sinabi rin ng aktor na pinanood niya ang interview ng dating asawa kay Jessica Soho kamakailan.

Matatandaang naging trending sa social media ang nasabing interview sa GMA-7 show na Kapuso Mo, Jessica Soho.

Dito kasi isa-isang sinagot ni Kylie ang mga issue na may kinalaman sa nasabing hiwalayan.

Kabilang na dito ang sagot ni Kylie sa paratang ni Aljur na ang aktres ang unang nangaliwa.

Matatandaang sa isang Facebook post ay naglabas ng saloobin dati ang aktor.

Hinamon nito ang aktres na sabihin sa publiko kung sino sa kanilang dalawa ang unang nagloko.

“Kylie please tell them the truth. Don’t hide and disguise your comments, statement for your self gain.

“Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family.”

Itinanggi naman ito ng aktres sa nasabing interview.

“I know my truth, e. I know what I went through and I know what he went through. Ang alam ko lang, parehas kaming hindi masaya.

“In my defense, while we were formally married, I never had any extra-marital relationships with other men. That is my truth.”

Binura na rin ng aktor ang nasabing post ngunit marami na ang nakapag-screenshot nito.

Sa panayam kay Sucaldito, sinabi ni Aljur na naaalala niya ang pinagsamahan nila ng aktres.

“Ang mga naalala ko ‘yung mga pinagsamahan namin (ni Kylie)… nakita naman ng mga tao na ‘yung appreciation at pagmamahal namin sa isa’t isa.

“Humantong lang talaga sa hindi na kami masaya.”

Sinabi rin niya na hindi siya “proud” sa drama na nangyari sa hiwalayan nila ni Kylie.

“Sana matapos na… nasabi ko na lahat ng mga gusto kong sabihin. I’m not proud sa mga nasabi ko, feeling ko nasadsad na.

“Sa kabila ng lahat nang nangyayaring ito, constant pa rin ‘yung communication namin lalo na kapag tungkol sa mga bata.

“Tuloy pa rin ang pag-uusap naming dalawa.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: