Ex-PBB housemates McCoy De Leon at Elisse Joson, ipinakilala kay Big Brother ang kanilang anak

Bumisita sa Pinoy Big Brother (PBB) house ang mga dating housemates na sina McCoy De Leon at Elisse Joson kagabi, October 31 para sa isag espesyal na pakay.

“Actually, kuya, may gusto kaming itanong sa inyo.”

Ito ang naging panimula ni Elisse na agad namang sinundan ni Mccoy ng isang tanong kay Big Brother.

“Pwede po ba namin kayong gawing ninong sa anak namin?”

“Kuya, uhm, kami po ni McCoy, meron po kaming isang napakaganda at napakabait na baby girl.” Ito ang naging pagbubunyag ng aktres.

“Alam namin na imposibleng makita ka niya, pero gusto naming tingalain ka niya bilang isang ninong, isang godparent na punong puno ng wisdom kaya naisip po namin na lumapit po sa inyo,” paliwanag naman ng aktor.

Nagpasalamat naman si Big Brother sa dalawa.

“Una sa lahat ay nais kong magpasalamat sa inyong alok sa akin, at gusto kong malaman niyo na lubos kong tinatanggap ito.

“Isang karangalan ang maging ninong ng anak ninyo. Higit sa lahat, congratulations, McCoy at Elisse!”

Nagpasalamat ang dalawa na aminadong nagsimula ang love story sa loob ng itinuturing na pinakasikat na bahay sa bansa.

“Thank you po, Kuya. Nagpapasalamat kami na makabalik ulit dito and i-share po sa inyo ang magandang balita po namin. And naisip po namin na dito kami nagsimula sa bahay ninyo at malaki po ang utang na loob po namin,” sabi ni Elisse.

“Habang buhay po namin na dadalhin ‘yun. Ang ano lang… Alam namin na hindi expected pero itong programa na ito ‘yung nagtadhana sa amin patungo dito, may family na kami. Salamat po. Salamat,” dagdag naman ni McCoy.

Ipinasilip nila sa isang larawan ang kanilang anak na babae na ipinakilala nila na si Felisse McKenzie.

Matatandaang parehong naging housemates ang dalawa sa PBB Lucky Season 7 noong taong 2016.

Dito nagsimulang umusbong ang kanilang relasyon bilang McLisse hanggang sa maging totohanan ang relasyon.

Taong 2018 nang kumpirmahin nila ang paghihiwalay at makalipas ang isang taon ay ibinalita rin nila ang pagbabalikan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: