Jeric Raval, ipinagtanggol ang anak: “Walang magulang na gusto niya ang anak niya ay parang kab*t.”

Ipinagtanggol ng dating action star na si Jeric Raval ang anak nitong si AJ Raval kaugnay ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya kamakailan.

Nasasangkot kasi ang pangalan ng anak sa usapin ng hiwalayan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Bagama’t una nang nilinaw ni Kylie na hindi si AJ ang third party sa hiwalayan nila ng asawa, patuloy pa ring nadadawit ang sexy actress sa issue.

Inamin din ni Jeric na nakakatanggap umano siya ng pambabatikos sa social media na kumukuwestiyon sa pagpapalaki niya sa anak.

Hanggang ngayon kasi ay marami pa rin ang nagkokomento ng hindi maganda sa pagpatol umano ng anak niya kay Aljur na mayroon nang asawa’t anak at hindi pa rin maayos ang pakikipaghiwalay sa asawa.

Sa isang panayam kamakailan ay nagbahagi ng kanyang saloobin si Jeric hinggil sa issue.

“Pagdating kasi sa ganyan, magulang kaagad ang tinatanong ng tao.

“Ang dami na nga nangba-bash sa akin wala naman akong kinalaman diyan at kung ganu’n daw ba pagpapalaki ko sa anak ko.

“Ang masasabi ko lang diyan, ang wish ko lang talaga, e, magkaayos ang pamilya ni Aljur at ang mga anak niya, mabuo ang pamilya niya.

“Ako wala akong masamang tinapay kay Aljur although kababayan ko ‘yan pareho kaming Kapampangan at kung siya’y talagang gusto niya ang anak ko, e, hindi ko naman mabantayan ang anak ko 24 hours basta i-ayos lang nila ang lahat.

“Kasi kahit anong sabihin natin, kasal pa rin si Aljur at saka si Kylie at walang magulang na gusto niya ang anak niya ay parang kabit. Walang magulang na ganu’n.”

Nag-usap na rin daw silang mag-ama tungkol dito.

“Sabi ko sa kanya, ‘AJ anak dapat ‘yan pag-ingatan n’yong mabuti kung magliligawan kayo kasi kahit ano pang sabihin natin ang paningin ng tao diyan, eh, baka isipin ikaw ay 3rd party although hindi ka naman 3rd party.”

Ipinagpapasalamat din ni Jeric ang pagsasalita kamakailan ni Aljur para linisin ang pangalan ni AJ.

“Nagpapasalamat naman kami at nagsalita naman si Aljur. Apektado ‘yung anak ko nakita ko, e, napaka-masiyahin ng batang ‘yun, eh. Playful pa nga ‘yun hanggang ngayon, naawa lang ako.

“Ako okay lang ako ma-bash lalaki naman ako sanay ako sa ganyan. Wag lang ‘yung anak ko, iba pag anak ko naawa ako.”

Nagbigay rin siya ng mensahe sa mga bashers ng anak.

“Sa mga bashers ni AJ, as much as possible sana ayaw ko ng magsalita about this kaya lang pangit naman kung hindi ako magsasalita.

“Sana po lahat ng bashers niya ay maka-move on na po, tayong lahat. ‘Wag po natin masyadong personalin, unang-una hindi naman po natin (ninyo) kilala at kung may nakakakilala po sa anak ko, ako po ‘yun at sinisigurado ko po mabuting bata po ‘yan at mabait na bata.

“At ako naman, eh, naiintindihan ko ang pamba-bash n’yo, siguro naiinip lang kayo ha, haha. Well again, salamat sa inyo, “nakangiting sabi ng aktor.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: