Jaclyn Jose, umalma sa tirada ni Albie Casiño laban kay Andi Eigenmann

“YOU want the truth? Gusto mo sabihin ko in public pano mo bugbugin anak ko? Kahit buntis? Try moko.” 

Ito ang naging buwelta ng ina ni Andi Eigenmann na si Jaclyn Jose laban kay Albie Casiño.

May kinalaman ito sa naging matapang na pahayag ng aktor laban kay Andi at sa pagkakaungkat ng issue na kinasangkutan ng dalawa noong 2011.

Si Albie ang ex-boyfriend ni Andi na itinuro nitong ama ng ipinagbubuntis niya noon.

Humingi ng DNA test noon si Albie bago akuin ang responsibilidad sa sinasabing anak nito.

Tinanggihan naman ito ni Andi at ng pamilya nito.

Naging masalimuot ang issue na ito noon na naging dahilan rin upang batikusin ng publiko si Albie na nawalan rin ng mga proyekto noong mga panahon na iyon.

Ilang taon pa ang lumipas bago kumpirmahin ng kapatid ni Andi na si Max Eigenmann na si Jake Ejercito pala ang ama ng panganay ni Andi.

Bago pumasok bilang celebrity housemate sa Pinoy Big Brother si Albie noong nakaraang linggo, naging matapang ang pahayag nito tungkol sa kontrobersiyang kinasangkutan noon.

Ibinunyag din nito na hindi nanghingi ng paumanhin sa kanya ang aktres kahit pa nadawit ang pangalan niya sa issue na iyon.

Nitong Sabado, October 30, ay kumalat ang screenshot ng Instagram post ng ina ni Andi na si Jaclyn.

Naglalaman ito ng mensahe niya para kay Albie.

Ayon sa beteranang aktres, ang lakas ng loob ni Albie na tirahin si Andi sa kabila raw ng atraso ng Kapamilya actor sa kanyang anak.

“YOU want the truth? Gusto mo sabihin ko in public pano mo bugbugin anak ko? Kahit buntis? Try moko.

Maliban dito ay may nagbigay rin ng mensahe si Jaclyn para sa ABS-CBN production head at Star Magic head na si Laurenti Dyogi.

“Pls nakikiusap ako wag nio galawin apo ko.. 1 decada Lauren, pls stop this.

“wala pupuntahan to kaibigan kita for so long, Wenn pa kapatid na kita.. 

“wag mo hayaan mag ma terialized ang pbb ng Albie lang.”

Umapela si Jaclyn na sana raw ay hindi dumating ang puntong masasalita pa siya.

“sagutin ko sia.. maari rating. pero magkapatid tayo.. nakikiusap ako nananahimik na si Andi…

“pero may sagot ako over board din i just want to keep quiet…

“as a friend sa media ko na sinasabi pigilan mo yang batang ignorante…

“kaysa mag salita ako.. Lauren you can stop him or go on (rating) sige mapapahiya kayo kasi lalahatin ko na.

“I so adore you wag mo sirain ang pangalan mo jan sa mamang yan..

“i dont want to put this into media. but i am running out of time. since you put it on media i have to protect la kami outlet so sorry if i bring it to media.. but?! There is no way?

“You want me to be quiet? You know me better than that?! Yung member nio ? Yung Albi Casinio?

“He has to keep hes mouth shut? Dont use my daughter in your sircus.. di nia alam ang pinagsasabi nia.”

 As of this writing ay burado na ang nasabing post.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: