VIRAL: Delivery rider, muntik saksakin ng gunting ng isang nagrereklamong customer

Viral ngayon sa social media ang isang video tampok ang pagrereklamo ng isang customer habang kausap ang isang delivery rider.

Sa video na ipinost ng Facebook page na Tagumeño Disiplinado 2.0, mapapanood ang video na kuha ng isang delivery rider.

Makikita sa video na nagrereklamo ang cutomer dahil plastic lamang daw ang natanggap nito.

Gusto ng customer na i-refund na delivery rider ang pera na ibinayad ng customer sa order nito.

Ipinapaliwanag naman ng rider na tanging ang seller ang makakapagbigay ng refund na hinihingi ng customer.

Sinasabi pa ng rider na nabuksan na ang parcel kung kaya’t hindi na talaga niya maisasauli ang perang ibinayad dito.

Ngunit maaaring kontakin ng customer ang seller at ito mismo ang magreklamo para maiproseso ang nire-request nitong refund sa item.

Dito na tuluyang uminit ang ulo ng customer at lumabas ng gate na may dalang gunting.

Pinipilit nitong ibalik ng rider ang perang ibinayad nila sa item.

Walang nagawa ang rider kundi ibalik ang halaga ng item sa customer dahil na rin sa takot nitong masaksak ng gunting.

Agad na nag-viral ang nasabing video at umani ng reaksiyon ng netizens.

Base sa mga komento, napag-alaman na isa palang school principal ang lalaking customer sa viral video.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“First time ba mag-order ng mag-asawang yan sa online?”

“Taga-deliver lang si kuya. Sa seller siya magreklamo.”

“Walang kinalaman ang rider sa inorder nila. Juskopo.”

“Dahil lang sa ganyan, guguntingin si kuya?”

“School principal pa pala si sir. Ano na?”

“Naiimagine ko tuloy kung anong ugali ni sir sa school.”

“Pwede namang sila ang magproseso ng refund. Nasa app naman yun. Makokontak ni buyer si seller.”

“Kapag di satisfied sa order o iba ang dumating, eh di i-click ang refund sa app.”

“Magbasang mabuti sa description ng items sa app bago umorder. Hindi ganyang magrereklamo pagdating ng delivery.”

“Kawawa naman si rider. Ang hirap kausap ng mag-asawa.”

As of this writing ay mayroon nang 4 million views at 119K shares ang nasabing video.

Panoorin ang nasabing viral video dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: