Jeric Raval to Aljur Abrenica: “Sana maayos ‘yong pamilya niya.”

Nagbigay na ng kanyang saloobin ang ama ni AJ Raval na si Jeric Raval sa issue na kinasasangkutan ng anak kamakailan.

“Kung minsan po iniisip ko kung magsasalita pa ba ako d’yan o hindi na, e.

“Kasi baka mali lang masabi ko mag-boomerang lang sa akin… siguro mas maganda na lang po ’yong tahimik na lang po.”

“Basta ang wish ko lang kina Aljur, e, sana maayos ’yong pamilya niya. Maayos sila mabuo pamilya nila.”

Matatandaang nadawit ang kanyang anak sa hiwalayan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Bagama’t una nang itinanggi ni AJ na naging third party siya sa hiwalayan ng mag-asawa, nadamay pa rin ang pangalan niya nang magsimulang kumalat sa social media ang ilang larawan nilang magkasama sa isang mall.

Kinumpirma rin noon ni AJ ang panliligaw sa kanya ng aktor. Aprubado rin diumano ng kanyang ama ang nasabing panliligaw.

Nang tanungin si Jeric kung nagkausap na sila ng ama ni Kylie na si Robin Padilla, sinabi nitong hindi pa.

“Hindi pa po. Hindi pa po. As much as possible, hindi naman namin napag-uusapan.

“S’yempre ’yong iba kung minsan pati pangalan ko nakakaladkad.

“Minsan hindi na maganda ’yong sinasabi sa akin. Pinababayaan ko na lang.”

Nang tanungin naman tungkol kay Aljur, sinabi ni Jeric na dapat ay ayusin muna ang lahat.

“S’yempre, wala naman pong magulang na gusto ’yong anak niya, e, nasa awkward na situation o nasa alanganing kalagayan.

“S’yempre lahat naman po tayo, lalo na babae ’yong anak mo, gusto ninyo maayos ’yong kalagayan.

“S’yempre ’yon naman po ’yong sinabi ko. Sabi ko mismo doon sa lalaki, kailangan nasa ayos lahat.

Sana naintindihan mo ako. Lalaki ka rin naman, may anak ka. ’Yon naman po ang sinabi ko.”

Matatandaang pinaratangan ni Aljur ang dating asawa na ito ang unang nangaliwa at sumira ng kanilang pamilya.

Sa isang interview naman ay itinanggi ito ni Kylie at sinabing walang katotohanan ang nasabing paratang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: