Ivana Alawi, nagsalita na sa napabalitang relasyon kay Marco Gumabao

Nananatiling single si Ivana Alawi.

Ito ang naging paglilinaw ng actress-vlogger sa kanyang mga followers sa isang live Q&A sa live-streaming platform na Kumu kamakailan.

“Wala, huy! Totoo talaga kapag may jowa ako, sasabihan ko kayo.”

 

Nilinaw din niya na walang namamagitan sa kanila ng aktor na si Marco Gumabao.

Matatandaang naging viral ang isang video nilang dalawa kung saan makikita ang sweetness nilang dalawa.

Dito nagsimula ang usap-usapan na may relasyon nga silang dalawa.

Marami kasi ang nakapansin na nakapatong ang isang kamay ng aktor sa hita ng dalaga.

“No, no, and no. Never kaming nagkaroon ng kahit anong relasyon, romantic, wala.”

Nilinaw niya na magkaibigan lamang sila at hindi lang silang dalawa ang magkasama sa pagtitipon na tampok sa viral video.

“Hindi lang naman date ‘yon na kaming dalawa.

“We’re friends, I was also with other friends, and nasa bahay kami ng friend ko.

“Wala, as friends lang talaga. There’s nothing, hindi kami. Wala.

“Para lang klaro sa lahat, wala.”

Nang matanong naman ang nakuhanang paghawak ni Gumabao sa kanyang hita, nagpaliwanag ang aktres na wala iyong malisya.

“Alam n’yo guys, wala akong malisya. Kasi kahit sa mga friend ko, lahat sila yumayakap sa akin.

“Walang hipo-hipo. Wala ‘yon sa akin.

“Basta hindi niya mahawakan ‘yung those parts, that’s a no.

“Baka masampal ko siya on the spot.”

Samantala, sa isang press conference ay inamin naman ni Marco na inspirado siya ngayon pero tikom ang bibig niya sa nasabing viral video kasama si Ivana.

Maraming followers tuloy ng aktres ang napakomento sa inakala ng marami na relasyon ng dalawa.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Single naman sila pareho kaya keri lang naman.”

“Umasa pa naman akong may lovelife na si Ivana.”

“Team Joshua here. Sana magkasama kayo sa isang project.”

“Eh kasi naman maraming malisyosong nakapnood. Ayan, tuloy. Umasa sila. Haha”

“Yun na nga eh. Pag nakahawak sa hita, jowa agad?”

“Okay lang yan. Darating din siya sa tamang panahon.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: