KILALANIN: Sino nga ba ang fiancé ni Kris Aquino na si Mel Sarmiento?

Sinorpresa ng tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino ang kanyang mga tagahanga sa isang special announcement noong Sabado, October 24.

Ibinahagi niya sa pamamagitan ng isang Instagram post ang kanyang engagement kay dating DILG secretary Mel Sarmiento.

“… it’s been exactly 4 months since we so unexpectedly lost our brother. Sure ako, ayaw nya talagang iwanan si “bunso” na walang magbabantay at magaalaga na siguradong pinagkakatiwalaan nya.

“Somehow i believe there really was a matchmaker in heaven who must be smiling now- i can almost hear his voice telling me, “kristina, tama na, respect the fact na gusto ni Mel ng tahimik na buhay.” And finally, “bunso”has learned to obey.

 

“To my best friend and the man i said yes to spending the rest of my life with, thank you for as bimb said loving me for me, with no agenda, and for being just an overall good and patient man. It’s unreal how much more calm & peaceful i feel now that you’re here.

Ikinuwento rin niya ang naging papel ng yumaong pangulong Noynoy Aquino sa relasyon nila ni Mel.

Si Mel ang nagsilibing secretary ng Department of Interior and Local Government (DILG) noong 2015 hanggang 2016.

Siya ang humalili sa posisyon na nabakante ni Mar Roxas noong nagdesisyon itong kumandidato sa pagkapangulo noong 2016.

Bago maging cabinet secretary, nagsimula muna si Mel bilang vice mayor ng Calbayog City sa Samar noong 1992 hanggang 1995.

Matapos matalo sa pagka-alkalde, nagpahinga muna siya sa politika sa loob ng anim na taon at nanilbihan sa Rural Bank sa Calbayog.

Nagwagi naman siya bilang alkalde ng nasabing lungsod noong 2001 at nanungkulan hanggang 2010.

Pagkatapos noon ay nahalal naman siya bilang representative na first district ng Western Samar.

Sa Instagram post ni Kris, wala na itong ibinahagi pang ibang detalye ng relasyon nila ni Mel.

“We agreed, what’s personal shall remain private so hanggang dito lang ang pwede kong ma share.

“Except i guess to say as much as i am proud to be an Aquino, looking forward na kong maging Sarmiento.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!