Ina ni Kylie Padilla na si Liezl Sicangco, may resbak kay Cristy Fermin

Nag-iwan ng matapang na mensahe ang ina ni Kylie Padilla na si Liezl Sicangco para sa showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Inilabas ni Liezl sa Instagram post ang kanyang saloobin sa isyung kinasasangkutan ng anak nila ni Robin Padilla.

“Sobra kana Cristy Fermin!!! Gawin kaya sayo yang pinaggagawa mo, siraan ka ng hindi totoo, gusto mo?

“Walang kalaban laban ang mga taong sinisiraan mo. One sided ka!!!

“D mo naman alam ang totoo at kung ano ang pinagdadaanan ng tao. Magbago kana bago kapa bawian ng buhay.”

Matatandaang ilang beses na ring tinira ni Cristy sa kanyang programa si Kylie.

Ikinuwento rin ng kolumnista ang ilang impormasyon na galing umano sa source ng kolumnista.

Pinaratangan rin ng kolumnista si Kylie ng pagluluko at hindi pagtrato nang maganda sa dati nitong asawa na si Aljur Abrenica.

Una nang naglabas ng mensahe para sa kolumnista si Kylie.

“Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino source mo. Wag nyong hintayin mag salita ako tungkol sainyo.

“Nag titimpi ako para sa mga anak ko.

“Tignan nyo mga mali nyo sa sarili nyo bago kayo manghusga ng ibang tao.

“Ano bang makukuha nyo sa pag sisira sakin? GROW UP. Ang tatanda nyo na.

“At sana kung sisiraan nyo ako totoo mga pinagsasabi nyo. Mahiya naman kayo sa mga sarili nyo.”

Sa isang Instagram post din ay sinabi ni Liezl na sana’y maging masaya at maka-move on na rin ang source ni Cristy.

Nag-post pa siya ng edited photo nina Aljur at ng napapabalitang kasintahan nito na si AJ Raval.

“Wish you both all the best in life. Sana forever na kayong dalawa.”

Sinabi rin niyang masaya ang anak na si Kylie para sa dalawa.

“Happy naman si Kylie para sa inyong dalawa at naka moved on narin cya at happy din cya.”

Hindi rin naiwasan ni Liezl na banggitin ang showbiz columnist na si Cristy Fermin.

“Sana ganon din yung source ni cristy. Tama na bitterness nakaka wrinkles. Move on.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: