Cristy Fermin, nagkomento sa interview ni Kylie Padilla: “Kitang-kita mo sa mata niya na nagsisinungaling siya.”

Humakot ng views ang much-awaited interview ng Kapuso actress na si Kylie Padilla sa GMA-7 show na Kapuso Mo, Jessica Soho.

As of this writing, mayroon nang 12 million views ang nasabing interview sa official Facebook page ng programa, at 1.4 million views naman sa YouTube.

Maliban sa views, humakot rin ng komento mula sa netizens ang nasabing panayam.

Maraming netizens ang nagpahayag ng papuri sa pagiging kalmado ni Kylie sa interview sa kanya ni Jessica Soho.

Pinapurihan din siya ng ilan dahil mas pinili niyang huwag magsalita ng ikakasira ng dating asawa na si Aljur Abrenica.

Kabilang sa nagkomento sa nasabing trending na interview ang kilalang showbiz columnist na si Cristy Fermin.

“Hindi po siya seryoso sa kanyang pakikipag-usap kay Jessica Soho.

“Sabi nga ni Jessica, ‘Sa lahat naman ng mga babaeng nasaktan, parang ikaw lang yata ‘yung hindi naman masyadong problemado at hindi malungkot.’

“Sabi siya nang sabi na, ‘Yeah, I’m happy, I’m good. Yeah, my kids are happy, they’re okay,’ pero kitang-kita mo sa mata niya na nagsisinungaling siya.”

Para kay Cristy, kitang-kita sa mga mata ni Kylie ang lungkot.

“Pwede pong magsinungaling ang ating bibig, ang ating kilos, pero kapag tiningnan po natin ang mata ng isang nasasalita, ‘yung po ang naglalantad ng tunay niyang damdamin.

“At kagabi, kitang-kita natin na napakalungkot ng mga mata ni Kylie.”

Tinawag din ng kolumnista na damage control lamang ang nangyaring interview.

“Ang tawag po dito, dahil si Kylie Padilla ay nakapailalim sa GMA 7, ang termino pong ginagamit dito ay damage control.

“Siyempre, binira siya ng todo, nabira siya ng todo sa social media at hinamon ni Aljur Abrenica.

“Natural, kung kayo po ang mga ehekutibo ng isang istasyon, gagawa po kayo ng hakbang para maka-cuentas claras itong si Kylie Padilla sa isyung ito.”

Matatandaang nagkaroon ng iringan kamakailan sa pagitan nina Cristy at Kylie.

Sa programa kasi ni Cristy, ikinuwento nito ang paratang ng isang source nito tungkol sa umano’y hindi magandang trato ni Kylie kay Aljur noon.

Pinalagan naman ito ng aktres at pinagsabihan ang kolumnista sa isang social media post na ngayon ay burado na rin.

Panoorin ang interview ni Jessica kay Kylie dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: