Ina ni Kylie Padilla na si Liezl Sicangco, nag-post ng edited picture nina Aljur Abrenica at AJ Raval

Sa nakalipas na ilang buwan na pinag-uusapan ang kontrobersiyal na hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica, nanatiling tahimik ang ina ni Kylie na si Liezl Sicangco.

Tanging ang ama nito na si Robin Padilla ang nagsalita tungkol sa nasabing hiwalayan.

Sa katunayan, si Robin pa nga mismo ang nagkumpirma na hiwalay na nga ang anak at ang asawa nito.

Kaya naman naging usap-usapan sa social media ang isang Instagram post ni Liezl ngayong araw, October 25.

Sa kauna-unahang pagkakataon kasi ay nagsalita ito sa masalimuot na issue ng hiwalayan.

Nag-post si Liezl ng isang edited photo nina Aljur at ng napapabalitang kasintahan nito ngayon na si AJ Raval.

Ang original version ng larawan ay kuha sa kasal nina Kylie at Aljur.

In-edit ito at pinatungan ng mukha ni AJ ang mukha ni Liezl para magmukhang silang dalawa ang ikinasal.

Maliban sa nasabing larawan, nagbigay rin si Liezl ng mensahe para sa dalawa.

“Wish you both all the best in life. Sana forever na kayong dalawa.”

Sinabi rin niyang masaya ang anak na si Kylie para sa dalawa.

“Happy naman si Kylie para sa inyong dalawa at naka moved on narin cya at happy din cya.”

Hindi rin naiwasan ni Liezl na banggitin ang showbiz columnist na si Cristy Fermin.

“Sana ganon din yung source ni cristy. Tama na bitterness nakaka wrinkles. Move on.”

Matatandaang nagkaroon ng iringan sa pagitan ng kanyang anak at ng kolumnista.

Madalas kasing maging paksa sa programa ng kolumnista ang kanyang anak.

Marami ring ikinukuwento si Cristy na nakukuha umano nito sa isang mapagkakatiwalaang source.

Sa isang social media post kamakailan ay hindi na nakapagpigil si Kylie at nagbigay ng mensahe sa kolumnista.

“Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino source mo. Wag nyong hintayin mag salita ako tungkol sainyo.

“Nag titimpi ako para sa mga anak ko.

“Tignan nyo mga mali nyo sa sarili nyo bago kayo manghusga ng ibang tao.

“Ano bang makukuha nyo sa pag sisira sakin? GROW UP. Ang tatanda nyo na.

“At sana kung sisiraan nyo ako totoo mga pinagsasabi nyo. Mahiya naman kayo sa mga sarili nyo.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: