‘Baby reveal’ nina Janella Salvador at Markus Paterson, pinag-uusapan


Pinag-uusapan ngayon sa social media ang tinatawag ng mga fans na “baby reveal” nina Janella Salvador at Markus Paterson.

Nag-post ang dalawa sa kanilang Instagram account ng mga larawan na may kinalaman sa isang baby.

Sa post ni Janella na may caption na “It’s time” ay makikita ang silhouette niya na nakahalik sa pisngi ng isang baby.

Dagdag pa ng caption, “8 pm. Link in bio.”

Kung pupuntahan ang nasabing link sa kaniyang bio, makikita ang isang YouTube channel na bagama’t wala pang uploaded videos ay mayroon na agad mahigit 10K followers (as of writing).

Ito ay may pangalang M & J.

Wala mang ibang detalye ang nasabing larawan, dumagsa na agad ang pagbati mula sa mga kaibigan gaya nina Maja Salvador, Sofia Andres, Miko Raval, Liza Soberano, Kathryn Bernardo, at iba pa.

Samantala, nag-post din si Markus ng isang larawan ng kamay ng isang sanggol na tila itinuturo niya.

May caption din ito na “8 pm, link in bio.”

Agad ding bumati ang ilan sa malalapit niyang kaibigan gaya nina Sue Ramirez, Tony Labrusca, Alex Diaz, Kyle Echarri, Diego Loyzaga, at iba pa.

Matagal nang usap-usapan ang pagkakaroon nila ng anak bagama’t walang confirmation o denial na nanggagaling sa kanila.

Magkasama ang dalawa sa United Kingdom kung saan sinasabing nanganak si Janella.

Noon lamang Setyembre unang umamin ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon.

UPDATE:

Sa kanilang YouTube vlog ngayong gabi, ipinakilala nina Janella at Markus sa unang pagkakataon ang kanilang baby boy na si Jude.

Sa nasabing video, ibinahagi ng dalawa ang ilang detalye mula sa pagbubuntis ni Janella hanggang sa makapanganak ito.

Nasa video rin ang pagbati ng ilang malalapit na kaibigan at kamag-anak ng dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: