Pinoy celebrities na nagsimula sa TV commercials

Marami sa mga sikat na celebrities ngayon ay nagsimulang makilala sa kanilang paglabas sa iba’t ibang TV commercials.

Balikan natin dito ang mga sikat na TV commercials na ito at ang ‘throwback’ looks ng mga paborito nating artista.

Sam Milby

Bago pa man tuluyang sumikat bilang isang housemate sa Pinoy Big Brother sa ABS-CBN, nakilala muna siya sa isang commercial/music video para sa Closeup toothpaste kasama si Barbie Almalbis.

Ryan Agoncillo

Naaalala mo pa ba ang linyang “Magpakatotoo ka” sa mga commercials ng Sprite? Isa si Ryan sa mga lumabas sa commercial na ito. Pinasikat niya ang linyang “Are you in heat?” kausap si Patricia Javier sa loob ng isang elevator.

Toni Gonzaga

Bago pa man sumikat bilang host, singer at aktres, nakilala muna siya bilang isang fan ni Piolo Pascual na napatili ng “I love you, Piolo!” sa isang Sprite commercial.

Isabel Oli

Bago pumasok sa mundo ng showbiz, nakilala siya sa isang series ng sikat na commercial ng Max’s Restaurant kasama si Piolo Pascual.

Rico Yan

Bago pa man siya maging showbiz heartthrob, una siyang tinilian sa isang Eggnog commercial.

Georgina Wilson

Ang magandang mukha niya ang isa sa mga suki ng mga sikat na TV commercials. Isa na rito ang Pond’s commercial noong 2004.

Solenn Heusaff

Naaalala mo pa ba ang linyang “Konting lugay, konting bawas, konting dagdag” sa commerical ng isang sikat na softdrinks? Oo, si Solenn nga ito para sa Pop Cola.

Coleen Garcia

Sa Skin White TV commercial naman unang nakilala si Coleen kasama si John Lloyd Cruz.

Nikki Gil

Isa ka rin ba sa naki-sing along dati kay Nikki Gil sa awiting “Sana” sa commercial ng Pop Cola?

Marian Rivera

Gutom lang ako.” Yes, si Marian ang babae sa commercial na ito ng Sky Flakes.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: