AJ Raval, hindi kinaya ang bashers, nag-delete ng Instagram posts

Nagdesisyon ang sexy actress na si AJ Raval na magpaalam muna sa social media para protektahan ang sarili laban sa mga masasakit na salita ng bashers.

Binura ng sexy actress ang lahat ng kanyang Instagram posts matapos niyang ibahagi ang kanyang plano na mag-detox muna sa social media.

Nagpasalamat din siya sa kanyang supporters na hindi bumibitaw sa kanya.

“Maraming-maraming salamat sa mga nagmamahal sa akin, sa mga sumusuporta.

“Nababasa ko message niyo. Na-appreciate ko kayo lahat. Thank you.”

Mental health ang sinabi niyang dahilan kung bakit iiwan muna ang social media.

“Ayoko na. Gusto ko na lang ng peace sana matapos na ito kasi bugbog na talaga yung mental health ko.

“Di ko na kaya, so mag-social media detox na muna ako. Next year na lang ako babalik ng social media.

“Maraming salamat sa nagmamahal pa rin sa akin.”

Maliban dito, humingi rin siya ng paumanhin sa dating asawa ni Aljur na si Kylie Padilla.

Ito ay dahil sa pag-share niya sa Facebook post ni Aljur kung saan pinaratangan nito na Kylie ang unang nangaliwa.

May mga pumuna kasi kay AJ dahil tila ipinamukha pa raw niya kay Kylie ang namumuong ugnayan nila ng estranged husband nito.

“I’m really sorry sa lahat ng naapektuhan. And also kay Kylie, I’m really sorry kung shinare ko yung statement na yun.

“It’s not my intention to hurt anybody. I was just trying to protect myself.

“Kaya lang, mali yung way ko.

“Pero na-realize ko rin na baka tama kayo. I’m too immature and I need to grow.

“I’m really sorry sa lahat ng naapektuhan, sa lahat ng nagalit.

“Sana mapatawad niyo ako.”

Una nang itinanggi ni AJ na siya ang dahilan ng hiwalayan nina Aljur at Kylie.

Nagsimulang umingay ang usap-usapan sa umano’y namumuong relasyon nina AJ at Aljur nang kumalat ang ilang larawan at video nilang dalawa habang magkasama sa isang mall.

Lutang na lutang kasi ang sweetness at closeness ng dalawa.

Una na ring inamin ng sexy actress ang panliligaw sa kanya ng aktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: