Cristy Fermin, rumesbak kay Kylie Padilla: “Hindi mo ako pwedeng diktahan.”

Sumagot ang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa matapang na pahayag ni Kylie Padilla laban sa kanya.

Sa kanyang programang Cristy Ferminute, naglabas ng kanyang saloobin ang kolumnista.

“Kung tunay na matapang ka, dapat ay tanggapin mo ang hamon. Magkaroon ka ng lakas ng loob para aminin ang katotohanan, hindi ka nagsalita.

“Kinakaladkad ka na ng asawa mo para magsalita ka, para linawin ang isyu nyo, hindi ka nagsalita.”

Ang tinutukoy niya ay ang hamon ng dating asawa ni Kylie na si Aljur Abrenica.

Matatandaang sa isang Facebook post ay hinamon nito si Kylie na magsabi ng totoo at aminin sa publiko kung sino ang unang nangaliwa sa kanila.

Dagdag pa ni Cristy, kredibilidad ang kanyang puhunan.

“Hindi mo ako pwedeng diktahan ng kung ano lang ang gusto mong mabasa sa columns ko at inuulit ko, iisa lamang ang aking puhunan sa hanay ng panulat. Kredibilidad lang.

“Kylie, hindi pa ipinapanganak ang artistang magmamando at magdidikta sa akin ng kung ano ang dapat ko lang sulatin at sabihin.

“Sorry sa ‘yo, maling puno ang tinahulan mo.

“Kapag meron kang sinulat o sinabi, panindigan mo. Karapatan mo ‘yun eh. Sarili mo yan.”

“Yun yon. Alam ko sa sarili ko na sila ang pinatatamaan mo. Hindi mo lang madiretso. Hindi mo lang sila maituro.

“Kung tunay ka na concern sa mga anak mo, dapat ay hindi mo binuksan ang mga pahina ng libro ng hiwalayan nyo ni Aljur Abrenica.”

“Kayo pa rin dalawa ng asawa mong si Aljur ang magreresolba ng problema nyo. Kayong dalawa lang talaga ang dapat mag-usap para sa ikakabuti ng relasyon nyo.

“Wag kang turo nang turo baka mamatanda ka.”

Matatandaang hindi na nakapagtimpi ang aktres at naglabas ng kanyang pahayag sa pamamagitan ng isang social media post.

Tinawag niya ang atensiyon ng kolumnista sa tila ginagawa nitong pagkampi sa panig ng dating asawa at paglalabas ng umano’y mga ebidensiya galing sa source ng kolumnista.

“Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino source mo. Wag nyong hintayin magsalita ako tungkol sainyo.

“Nagtitimpi ako dahil sa mga anak ko. Tignan nyo mga mali nyo sa sarili bago kayo manghusga ng ibang tao.

“Ano bang makukuha nyo sa pagsisira sa ‘kin? Grow up! Ang tatanda nyo na.

“At sana kung sisiraan nyo ako, totoo mga pinagsasabi nyo. Mahiya naman kayo sa mga sarili nyo.”

Agad ding binura ni Kylie ang nasabing post.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: