AJ Raval, humingi ng paumanhin kay Kylie Padilla

Humingi ng paumanhin ang sexy actress na si AJ Raval tungkol sa pag-share niya ng kontrobersiyal na Facebook post ni Aljur Abrenica.

Matatandaang noong Martes, October 19, ay naglabas ng pahayag si Aljur at inakusahan nito ang dating asawa na unang nangaliwa.

Agad din itong ni-share ni AJ sa kanyang Facebook account.

Bagama’t walang ibang caption na idinagdag si AJ, umani siya ng batikos mula sa netizens na inakusahan siyan ng pakikisawsaw sa issue ng dalawa.

As of this writing ay tila binura na ni AJ ang nasabing shared post sa kanyang account.

Ayon kay AJ, hindi niya intensiyong panghimasukan ang alitan nina AJ at Kylie.

“I’m really sorry sa lahat ng naapektuhan. And also kay Kylie, I’m really sorry kung shinare ko yung statement na yun.

“It’s not my intention to hurt anybody. I was just trying to protect myself.

“Kaya lang, mali yung way ko.

“Pero na-realize ko rin na baka tama kayo. I’m too immature and I need to grow.

“I’m really sorry sa lahat ng naapektuhan, sa lahat ng nagalit.

“Sana mapatawad niyo ako.”

Inilabas ni AJ ang mahigit sa dalwang minutong video niya sa TikTok kahapon, October 20.

Hindi na raw kinaya ni AJ ang paninisi sa kanya ng ilan sa pagkasira ng marriage nina Aljur at Kylie.

“Tungkol ito sa statement ni AJ na shinare ko. Gusto ko lang i-explain kung bakit ko shinare.

“Hindi naman sa nakikisawsaw ako sa issue. Shinare ko yun kasi I’m trying to protect myself and my family because people are accusing me.

“Tinatawag nila akong kabit. Tinatawag nila akong homewrecker, which is hindi naman totoo.

“Wala akong sinirang pamilya. At never ako maninira ng pamilya.”

Lubha raw siyang naapektuhan dahil nadadamay pati ang kanyang pamilya sa panghuhusga ng ibang tao.

“Nung una, tinatanggap ko pa yung sinasabi sa akin ng mga tao. Pero ngayon na nadadamay yung family ko, sobrang affected ako.

“Nanay ko nakikita ko umiiyak. Naapektuhan ako dun.”

Panoorin ang buong video dito.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: