Ina ni AJ Raval, nagbigay ng saloobin tungkol sa pahayag ni Aljur Abrenica

“He (Aljur) told me everything from the start.”

Ito ang naging pahayag ni Alyssa Alvarez, ang ina ng sexy actress na si AJ Raval.

May kinalaman ito sa kontrobersiyal na Facebook post ng manliligaw ng anak tungkol sa hiwalayan nila ng asawang si Kylie Padilla.

Matatandaang kahapon, October 19, ay binasag na ng aktor ang kanyang katahimikan tungkol sa issue.

Hindi raw umano siya nagsasalita dahil ito ang naging kasaunduan nila ni Kylie — na hindi sila magsasalita sa publiko.

Ang ama ni Kylie na si Robin Padilla ang unang naghayag sa publiko ng tungkol sa nasabing hiwalayan.

Ibinunyag pa nito na third party sa panig ni Aljur ang naging mitsa ng hiwalayan.

Ayon naman kay Aljur, si Kylie ang unang nagloko.

Hinamon niya ito na magsabi ng totoo.

“Kylie please tell them the truth.

“Don’t hide and disguise your comments, statement for your self gain. Tell them who cheated first.

“Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you not on our family. The people deserves to know.”

Sa isang Facebook post naman ay naglabas ng kanyang saloobin ang ina ni AJ.

Sinabi raw ni Aljur sa kanila ang tungkol sa nangyaring hiwalayan.

“…para makilala ko Ang pagkatao nya, kung karapat dapat ba syang tanggapin ng pamilya namin.

“Tao syang lumapit sa amin kaya tao din namin syang tinaggap.”

Nagsimulang pag-usapan sa social media ang anak niya at ang aktor dahil sa pagkalat ng ilang larawan ng dalawa kung saan makikita ang sweetness at closeness nila sa isa’t isa.

Pinili raw ng ina ni AJ na manahimik kahit na inuulan ng batikos ang anak.

“I kept my mouth shut. Nung nag ka issue na. mas pinili Kong masaktan para sa ank ko, dahil alam ko darating Ang Araw lalabas Ang totoo .

“kinain ko lahat ng mga pinagsasabi sa akin namasakit ng mga walang alam sa nangyayari. Para lang wag na lumaki pa.”

Nagpasalamat rin siya kay Aljur na tinawag niyang “anak.”

“Pero nag papasalamat Ako “anak” kase tinupad mo Ang sinabi mong di mo kami pababayaan .. alam ko Hindi lang ito para sa amin, pati narin sa mga taong nagmamahal at nasasaktan para sayo .. 😥😢😢”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: