Aljur Abrenica at Kylie Padilla, trending sa social media kasunod ng rebelasyon ni Aljur tungkol sa kanilang hiwalayan

Usap-usapan ngayon ng netizens ang social media posts ng dating mag-asawa na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Sa unang pagkakataon kasi ay binasag na ni Aljur ang kanyang katahimikan tungkol sa nangyaring hiwalayan.

Sa isang mahabang Facebook post kahapon, October 19, ay hinamon niya si Kylie na ibunyag sa publiko kung sino sa kanilang dalawa ang unang nagloko.

Ayon sa kanya, pinili niyang tumahimik matapos ang naging rebelasyon ng ama ni Kylie na si Robin Padilla na may third party sa panig ni Aljur sa nangyaring hiwalayan.

Mayroon daw kasi silang kasunduan na hindi sila magsasalita sa publiko tungkol dito.

Ngunit kahapon nga ay nangyari ang hindi inaasahang pasabog ng aktor.

Ilang oras matapos ito ay tila sumagot naman dito ang dating asawa sa pamamagitan ng Instagram stories.

Nagbahagi ito ng isang quote na tila may hugot sa naging pahayag ng aktor.

“Never understimate a man’s ability to make you feel guilty for his mistakes.”

Dahil dito, naging trending topic silang pareho sa Twitter.

Narito ang ilan sa mga tweets ng netizens tungkol sa issue.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: