Nagbahagi ng kanyang saloobin ang actress-host na si Kim Chiu tungkol sa mga bumabatikos at nambu-bully sa kanya sa social media.
“Last year was the super challenging year talaga for me to deal with those people.”
Ito ang naging pahayag ni Kim sa panayam sa kanya ni Miguel Dumaual sa ABS-CBN News.
Matatandaang nag-viral ang ‘It’s Showtime’ host sa kanyang naging statement na “bawal lumabas” noong nakaraang taon.
Naging viral pa nga ito sa social media at ginawan ng iba’t ibang memes at katatawanan.
Sa kalaunan ay sinakyan na lamang ito ni Kim at ginamit pa ngang pamagat ng isang kanta at isang series.
Pakiwari raw ng dalaga, binabantayan ng netizens ang bawat kilos niya at galaw dahil lahat nga ng gawin niya ay pinapansin.
“For me, learn from your mistakes. And then take care of your mental health also, protect yourself from those people who can actually hurt you. Tao din naman kami.
“Pag may nagsasabi sa ‘yong, ‘Ang t4nga-t4nga mo,’ ang sakit-sakit naman. Pero iniisip ko na lang, hindi naman niya ako kilala. Bakit niya ako sasabihan ng ‘t4nga’?
“Hindi naman tayo magkakilala, so bakit ka magkakaroon ng freedom to tell me those things? Nasi-segregate ko na ‘yung people who can actually hurt me and people who can just pass by.”
Dagdag pa niya, iniintindi na lamang daw niya ang lahat dahil tanggap na niyang bahagi iyon ng kanyang buhay sa showbiz.
Sa ngayon ay mahigit 15 taon na siya sa mundo ng showbiz mula nang manalo siya bilang Big Winner sa Pinoy Big Brother Teen Edition.
“There is no easy life. ‘Di ba bago magka-rainbow, may ulan muna, may baha, may bagyo?
“So that’s part of it. ‘Yung showbiz career, parang life line — up, down, up, down as long as it’s doing that, buhay ka pa, okay pa ‘yun.”
Nagpapasalamat ang aktres sa lahat ng kanyang mga tagasuporta at tagahanga na hindi siya iniwan sa kabial ng lahat ng pangyayari.
“Ang dami-dami nang nangyari, nandiyan pa rin talaga sila.
“Hindi sila nag-give up. Hindi sila, ‘Ay, nakakapagod na kay Kim, ayaw na namin.’
“‘Yung time and effort na ibinibigay nila para sa akin, ang laki ng mga puso nila. Para bigyan nila ako ng ganitong oras, ganitong pagmamahal, ganitong pakikipaglaban just to show na mahal nila ako, and they’re there for me.
“I consider myself lucky, kasi hindi sila nawala.”