Cristy Fermin, tinalakan ang mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada?

Nagbigay ng saloobin ang showbiz writer at radio and TV personality na si Cristy Fermin kasunod ng pagkumpirma ni Alex Gonzaga na nakunan ito sa unang anak sana nila ng asawang si Mikee Morada.

Matatandaang ibinahagi ni Alex sa mga tagahanga niya ang mabigat na sitwasyon na pinagdadaanan nilang mag-asawa.

Sa isang mahabang social media post ay ibinahagi ng actress-vlogger ang kanilang sitwasyon.

“Hi. 2 months ago we found out that I was pregnant and 3 weeks ago, we got a heartbreaking news that we might be having an anembryonic pregnancy (blighted ovum).”

Ang blighted ovum ay isang ultrasound finding na ang ibig sabihin ay walang nabuong  embryo.

Pinayuhan umano sila ng doktor na maghintay muna para makumpira ang sitwasyon.

“Our doctor advised us to wait for the process to naturally take its course. So we had to wait for awhile for the pregnancy to finally end before we can tell our story.”

“The waiting and praying tested our faith and there were a lot of crying.”

“Everyday we were clinging on to a miracle that an embryo would still appear but last Tuesday (Oct12), the Lord’s will prevailed and we finally closed the book of our first pregnancy.”

Sa latest episode ng kanyang programang ‘Cristy Ferminute,’ sinabi niyang hiling niyang malampasan ng mag-asawa ang pinagdadaan nila ngayon.

“Tayo naman ang wish naman natin ay malampasan nila nang maayos ito.”

Sa kabila nito, hindi pa rin naiwasan ni Crity ang pagbanggit sa kasamahang showbiz writer na si Lolit Solis.

Matatandaang naging sentro ng pambabatikos ng netizens si Lolit matapos nitong unahang magbalita sa social media tungkol sa kalagayan ng mag-asawang Alex at Mikee.

Sa isang post ay tinawag pa ni Lolit na ‘very petty’ ang kagustuhan umano ng mag-asawa na pagkakitaan pa sa vlog ang hindi magandang pangyayari sa kanilang buhay.

Umalma dito si Mikee at sinabihan ang kolumnista na huwag gumawa ng kuwento.

Humingi naman ng public apology si Lolit matapos ito.

Ngunit tila hindi pa tapos ang issu na ito para kay Cristy.

“Dinidiretso lang po natin, kinailangan lang po nating ibalik ‘yung isyu dahil ang nalagay po rito nitong mga nakaraang araw at linggo, nalagay sa alanganin si Manay Lolit. Na sa kabila ng maganda niyang intensyon hindi siya naunawaan.”

“Saka ‘wag kayo nagagalit. ‘Wag kayo naiinis, ‘wag kayo napipikon kapagka may mga manunulat na nagtatanong, nang-uusisa tungkol sa kalagayan niyo.

“Tignan niyo oh, heto kayo ngayon, kung ano-anong mga retrato ang pinaglalalabas niyo.

“Sa ospital, paglabas, ibinabahagi niyo rin sa publiko kasi alam niyo na public figure kayo.

“Pareho kayo, pati si Konsehal. Public figure, ayan, nasa ano ‘yan, nasa kanaturalan, naturalesa ng inyong trabaho na talagang uukilkilin ang inyong personal na buhay.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: