Cristy Fermin, tinalakan at hinamon ang asawa ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada?

Tila nakahanap ng kakampi si Lolit Solis sa kanyang kapwa showbiz writer at host na si Cristy Fermin.

Sa kanyang radio program, ipinagtanggol ni Cristy ang kaibigan at kasamahang si Lolit tungkol sa issue na kinasangkutan nito kamakailan.

Sinabi niyang wala namang masama sa sinabi ni Lolit at concern pa nga umano ito sa nangyari kay Alex Gonzaga.

Hinamon pa niya ang mister ni Alex na si Mikee Morada na sagutin ang banat niya kung bakit patola na umano ito.

“Sa ginawa ni Manay Lolit kahit anino ng libel wala, ‘di ba? Napakaganda ng kaniyang sinabi. Nag-wish pa siya ng maganda para sa mag-asawa, di’ba?

“Ano ba naman si Konsehal Mikee, ano na ba itong mga pinaggagagawa mo? Mukha yatang gusto mo na ring mag-showbiz. Ako ang sagutin mo ngayon ng ganitong pailalim.

“Sagutin mo ako ng sarkastiko. Ako ang sabihan mo ngayon sa pagkukwestiyon ko sa’yo kung bakit patola ka na!”

Matatandaang kamakailan ay anging kontrobersiyal ang isang Instagram (IG) post ni Lolit nang ibunyag nito na nakunan umano si Alex.

Dagdag pa ni Lolit, itinatago lamang daw ng kampo ni Alex ang nangyari dahil gustong nitong gawing content para sa YouTube vlog ang nasabing pangyayari.

Tinawag pa ni Lolit na ‘petty’ at pati ang pangit na pangyayari ay pagkakakitaan pa umano.

Umalma dito at nagkomento sa nasabing post ang mister ni Alex na si Mikee.

Sinabi ni Mikee na nakakadismaya naman umano ang nasabing IG post.

“Mam masakit at nakakadismaya naman. Hindi lang patungkol kay Alex ang inyong sinulat, tungkol ito sa amin mag-asawa.

“Kaya hinihingi ko ang inyong pag-respeto. Huwag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon lalo’t hindi niyo naman alam ang totoong pangyayari. Salamat.”

Dahil dito, nanghingi ng paumanhin si Lolit sa mag-asawa.

Aniya, hindi niya intensiyon ang makapanakit ng damdamin.

“Never ever ko nasa isip ma may masaktan , ma offend, o magalit dahil lang sa posting ko sa IG o sa column ko sa PSN at PM.

“Matanda na ako para magkaruon pa ng kaaway, ayoko din na meron nasasaktan sa isinusulat ko na ginagawa ko lang outlet para ilabas iyon nasa isip ko.

“If I have offended, o may nasaktan dahil dito , I Am Very SORRY.

“Hindi iyon at never iyon ang naging intention ko ng isulat at ipost ko iyon.”

Wala nang naging pahayag pa mula kay Mikee at sa asawa nitong si Alex hinggil sa issue.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: