VIRAL: Video ng ahas na nagmistulang isaw, pinagkaguluhan ng netizens

Umani ng views at komento ng netizens ang isang video ng ahas na gumapang patawid sa wire ng kuryente.

Sa malayuang tingin, nagmistula itong isaw ng manok na nakatuhog sa stick ng barbecue.

Dahan-dahan itong gumapang sa wire habang abala ang mga tao na nakatingala at kanya-kanyang kumukuha ng video gamit ang kanilang mga cellphone.

Nang nasa gawing gitna na ito ay unti-unti na itong dumulas at nahulog mula sa itaas.

Marahil ay hindi na nito nakayanan ang sariling bigat kung kaya’t tuluyan na itong naglambitin hanggang sa mahulog na lamang.

Maririnig sa video na halos sabay-sabay ring nagtilian ang mga tao kasabay ng pagkahulog ng ahas sa kalsada.

Kumalat ang nasabing video sa TikTok bago pa man ito kumalat na rin sa iba pang social media sites.

Sa ini-upload ng TikTok user na si @_francisoailo, narito ang nakalagay na caption.

“Isa ka admin sa REPA nitakas. Nahulog! 😂 #cogon #tagbilaran #bohol #repa #ctto #viral #fypシ #foryou #foryoupage”

Wala nang iba pang detalye na nakalagay sa video.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

“Isaw ka, ghorl?”

“Buti na lang at na-pasue ko. Hindi nahulog ang isaw.”

“Napatili rin ako nung nahulog! Hahaha”

“Pasensya na kayo, hindi ko nasabihan ang BFF ko.”

“Akala ko kung ano. Antagal ko pang tinitigan muna bago ko nakita kung ano. Haha”

“Si Spider Man yan. Nagpapanggap na ahas. Hahaha”

“Linisin nyong mabuti yang isaw na yan. haha”

“Iba ang trip ni beshie. lol”

“Bakit andyan ang bestfriend ko?”

“Ang tagal kong nakatitig sa ilaw. Hahaha! Di ko agad nakita.”

“Wala bang part 2?”

“Imagine kung ikaw ang nabagsakan nyan. Haha”

“Akala ko bulalakaw! Hahaahaha”

“Bakit di nyo sinalo? HAHAHAHAHA”

“Masarap siguro yan pag sinawsaw sa maanghang na suka. HAHA”

“OMG! Nakabitin si Beshie ko!”

“Akala ko may spaceship. Sorry naman. Antagal kong nakatingin sa langit.”

“Yung sabay sabay silang napatili. HAHAHAHA”

“Mapapasigaw ka rin talaga kasabay ng pagbagsak eh. HAHAHA”

“Luto na ba? Nakahanda na ang alak dito.”

“Instant pulutan yarn?”

“Akala ko may lobong mahaba. Hahaha”

“Ipinakita lang niya na kaya niyang tumawid sa alambre. Hahaha”

“Andaming fans ng ahas ah. Sabay sabay pang nagtilian. hahaha”

Panoorin ang nasabing viral video dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: