AJ Raval, ipinagtanggol ng kanyang ina sa relasyon nila ni Aljur Abrenica

Ipinagtanggol si AJ Raval ng kanyang ina kaugnay ng napapabalitang pakikipagmabutihan niya sa aktor na si Aljur Abrenica.

Si AJ ay panganay na anak ng dating action star na si Jeric Raval kay Alyssa Alvarez na sinubukan din ang mundo ng showbiz noong 1990s.

Si Aljur naman ay ang dating asawa ng aktres na si Kylie Padilla.

Matatandaang kamakailan ay kinumpirma mismo ni AJ na nasa “getting-to-know” stage na sila ni Aljur.

Kumalat din sa social media ang ilang larawan at video nilang dalawa kung saan makikita ang pagiging sweet nila sa isa’t isa.

 

Dahil dito, maraming netizens ang naniniwala na hindi magtatagal ay tuluyan na ring mauuwi sa pagkakamabutihan ang relasyon ng dalawa.

Noong October 8, Huwebes, ni-repost ni Alyssa ang larawan ni Aljur kasama ang kapatid ni AJ na si Ace Raval.

Sa comments section, sinagot ni Alyssa ang ilang nagkokomento tungkol sa sinasabing relasyon ngayon nina AJ at Aljur.

Isang tagahanaga ang nag-comment ng screenshot ng tweet ng dating asawa ni Aljur na si Kylie.

Ayon sa screenshot, walang issue para kay Kylie dahil matagal naman na silang hiwalay ni Aljur.

Nagkasundo na rin umano sila na pwede na silang makipag-date sa iba.

Ayon pa sa komento ng tagahanga, bakit mas galit pa ang ibang tao samantalang mismong asawa ni Aljur na si Kylie ay may basbas sa pakikipag-date ni Aljur sa iba?

Sumang-ayon naman dito si Alyssa.

“oo nga eh… Mga wala na cguro magawa mga taong yun.bored na bored na sya.”

Isa namang kritiko ang nagkomento at nangatwiran na kung nagawa ni Aljur na iwanan ang asawa nito, maaaring ganito rin ang gawin nito kay AJ balang-araw.

Sunod-sunod ang naging reply ni Alyssa dito (published as is).

“sus cno k para humusga? Ikaw b walang nagawang kasalanan?

“Yan mhirap sa ibang mga Pilipino masyado judgemental, kaya walang asenso. Just saying

“Di nman ntin hawak Ang kalooban [ng] Dios kapatid.”

Katuwiran naman ng nagkomento, sinasabi lang niya ang posibleng kahinatnan ni AJ.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: