Video nina Ivana Alawi at Marco Gumabao, nag-viral sa social media

Viral na sa social media ang isang video kung saan kitang-kita ang pagiging malapit sa isa’t isa nina Ivana Alawi at Marco Gumabao.

Nanggaling ang nasabing video sa Instagram stories ni Ann Murphy (@annmurphy__).

Kasama ng dalawang artista ang isang grupo ng kanilang kaibigan at masaya silang nagkakantahan sa tila isang KTV bar.

Sa isa sa mga video ay mapapansin na nakapatong ang kaliwang kamay ni Marco sa kanang hita ni Ivana habang kumakanta ito.

Dahil sa nasabing video, marami tuloy ang napatanong kung may namamagitan na nga ba sa dalawa?

Panoorin ang nasabing video dito.

Walang ibang detalye o impormasyon na nakalagay sa nasabing IG stories.

Hindi pa rin malinaw kung bagong video ito o isa lamang throwback post.

Kapansin-pansin kasi na maigsi ang buhok ni Ivana.

At kung sa isang KTV bar nga ito, maaaring hindi bago ang video dahil sarado pa ngayon ang mga establishment gaya ng KTV bar dahil sa pinaiiral na community quarantine na dulot ng pandemya.

Mabilis na kumalat ang nasabing video at ang ilang larawan o screenshot galing dito.

Umani rin ito ng reaksiyon mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Luma na yang video na yan. Mahaba na ang buhok ni Ivana, di ba?”

“Kung luma na yan, eh di ibig sabihin may nakaraan na sila o sila pa rin hanggang ngayon?”

“Akala ko ba si Joshua Garcia ang bet ni Ivana?”

“Kung pareho naman silang single, go lang. Support!”

“Bagay naman sila. Maganda at gwapo. Pareho pang yummy.”

“Single naman sila, okay lang yan. Kesa naman sa iba na may sabit pala.”

“Kilig naman sa dalawa! Sana nga totoo.”

“Baka naman malisyoso lang tayo. Hahaha! Baka talagang touchy lang si Marco.”

“Uy, baka naman nakahawak lang sa hita ni Ivana si Marco as a friend? Hahahaha”

“Kapag nakahawak sa hita, jowa agad? Hahaha! Pero siguro nga. Mukhang iba ang pagkakahawak eh. Hahaha”

“Andami na naman Maritess dito. Kasalanan ng video yan. Hahaha”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: