Ivana Alawi at Marco Gumabao, nagkakamabutihan na?

Usap-usapan ngayong araw sa social media sina Ivana Alawi at Marco Gumabao.

Ito ay matapos kumalat ang isang video kung saan kitang-kita ang sweetness at closeness ng dalawang artista.

Sa video na kuha sa Instagram stories ni @annmurphy__, makikitang kasama ng dalawa ang isang grupo habang masayang nagkakantahan.

Huli rin sa video ang kamay ni Marco na nakapatong sa hita ni Ivana habang kumakanta ito.

Mabilis na kumalat ang nasabing video.

Umani rin ito ng iba’t ibang reaksiyon ng netizens na nagtatanong kung si Marco na nga ba ang nagpapatibok ng puso ni Ivana.

Narito ang ilan sa mga tweets.

Panoorin ang nasabing viral video dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: