Lolit Solis, nag-public apology dahil sa kontrobersiyal na post tungkol kina Mikee Morada at Alex Gonzaga

Naging kontrobersiyal kamakailan ang isang Instagram post ng showbiz writer na si Lolit Solis.

Sa nasabing post kasi ay ibinahagi niya ang balitang nakunan umano si Alex Gonzaga.

Pinaratangan din niya ito na itinatago umano ng kampo ni Alex ang balita at nais na sa vlog na lamang nito ilabas ang tungkol dito.

“Para bang ginawa ng business pati malungkot na balita…

“Hindi naman siguro tutoo na nagagalit ang mother Pinty nila Alex st Toni na lumabas ang balita dahil gusto nga daw nila na maging exclusive sa vlog nila.

“Very petty ‘di ba? Dahil lang sa vlog pati ganitong balita itatago?”

Umani ng pambabatikos mula sa netizens ang nasabing post.

Nagkomento rin dito ang asawa ni Alex na si Mikee Morada.

Pinaalalahan nito si Lolit na huwag gumawa ng kwento sa ganitong klase ng sitwasyon.

Sa panibagong Instagram post ni Lolit ay nilinaw nito ang issue.

Hindi niya umano intensiyon na makasakit ng tao.

“…gusto ko maging clear sa lahat na never ko ginusto na maka offend o makasakit ng tao. Isa akong matandang babae, edad 74 going 75, at siguro sa buhay ko dumating na ako sa punto na gusto ko sana walang nagagalit o naiinis sa akin. I feel so lucky that in my long journey in life, mas naging maganda ang buhay ko na ibinigay sa mga taon na iyon.

“Sabi nga, what is important is the life you put in those years, kesa years in your life. Sa edad ko lalo na ngayon pandemic na madalas ang lock down, quarantine, at wala ng mga activities na tulad ng presscons, nag enjoy ako sa IG.

“Dahil ayoko lang na ma idle ang utak ko sa katutulog, at walang ginagawa, naging mental exercise ko na ang IG na ginagawa narin column ni Salve.

“Never ever ko nasa isip ma may masaktan , ma offend, o magalit dahil lang sa posting ko sa IG o sa column ko sa PSN at PM.

“Matanda na ako para magkaruon pa ng kaaway, ayoko din na meron nasasaktan sa isinusulat ko na ginagawa ko lang outlet para ilabas iyon nasa isip ko.

“If I have offended, o may nasaktan dahil dito , I Am Very SORRY.

“Hindi iyon at never iyon ang naging intention ko ng isulat at ipost ko iyon.”

May mensahe rin siya sa mga bumabatikos sa kanya dahil sa nasabing post.

“Why give me that importance of wasting your energy hating, defaming, and bully a 74 years old woman if no substance ?

“Hindi ko talaga makuha ang logic. Ako si Lolita Solis na gusto gusto ko lang magkaruon ng mental exercise by writing, I enjoy IG, I enjoy reading your comments, puwede kaya na pag binasa nyo ang anuman isinulat o IG ko, can you please don’t put malice dito ?”

Humingi rin siya ng paumanhin sa mag-asawang Alex at Mikee.

“Wala akong intention to hurt or cause pain. So SORRY if ito ang naging dating kay Alex Gonzaga at sa kanyang asawa.

“I will honestly say na I appreciate the very respectful comment of Alex Gonzaga husband.

“Hindi iyon ang motibo ko, hindi iyon ang gusto ko.

“If I have offended and hurt you, I deeply apologize.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: