Jake Cuenca, arestado matapos tumakas nang makabangga umano ng sasakyan ng mga pulis

Arestado ang Kapamilya actor na si Jake Cuenca matapos ang pagtatangka nitong tumakas nang makabangga ng sasakyan ng mga pulis sa Mandaluyong City, kagabi, October 9.

Ayon kay PBGen. Matthew Bacay, Director, Eastern Police District, wala namang nasaktan sa nabanggang sasakyan ng aktor.

“Wala namang nasaktan sa nabanggang sasakyan ni Jake Cuenca. During the chase. kailangan i-disable ang sasakyan (ni Jake Cuenca) kaya pinutukan ang gulong.”

“Hinabol ng mga pulis natin hanggang sa nakarating sa area ng Pasig sa may Shaw and when confronted, nakita na ang driver ng sasakyan ay ang aktor na si Jake Cuenca.

“Upon sa inspection sa sasakyan ni Jake, wala namang nakitang something illegal.”

Inaresto at kakasuhan umano ang aktor.

“He (Jake) was arrested kasi mayroong tayong ikakaso sa kanya na Reckless Imprudence Resulting to Damage to Property.”

Isang Grab driver din umano ang nadamay sa insidente nang aksidenteng tamaan ng stray bullet.

“Last night at about 9 pm, may dumaan na sasakyan, unfortunately tinamaan ang sasakyan ng mga pulis natin at hindi tumigil ang sasakyan.

“May Grab driver na tinamaan ng stray bullet.”

Tiniyak naman na nasa mabuting kalagayan na ang nasabing delivery rider.

“Mandaluyong City Police will file Reckless Imprudence resulting to damage to property against Jake Cuenca mamaya. He is undergoing medical ngayon.”

Samantala, isang video kaugnay ng nasabing insidente ang viral ngayon sa social media.

Sa video na ini-upload ng Facebook page na El Theatre, makikita ang aktor na nakaupo sa gilid ng kalsada matapos ang nangyaring habulan.

Narito ang caption ng nasabing post.

“Mainit init na tsismis mga Mars! Jake Cuenca nyo nahuli ng pulis at nagkaputukan pa nga ng baril. May nadamay pa na grab driver sana makasurvive si kuya 😔”

Panoorin ang video dito.

Mabilis na nag-viral ang nasabing video at umani ng reaksiyon mula sa netizens.

“Ayan, sikat ka na naman sa ganyan.”

“Awit. May nadamay pang inosenteng tao dahil sa pagiging pasaway mo.”

“Dapt walang special treatment kapag artista.”

“Lasing ba? KAsi bakit ganyan ang itsura?”

“Tamang tama sa’yo ang title ng bago mong teleserye, VIRAL. haha”

“ABS, artista nyo oh.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: