Sa kanyang programa sa GMA-7, inianunsiyo na ni Willie Revillame na hindi siya kakandidatong senador ngayong 2022 elections.
Matatandaang naging usap-usapan na iiwanan na niya ang programa para pasukin ang mundo ng pulitika.
Aniya, mahirap itong pasukin dahil sa nakikita niyang hindi pagkakasundo at bangayan.
Aminado rin siya na wala siyang alam sa batas.
“Kung sakaling tatakbo ako sa senado hindi naman ako magaling mag-English, wala akong alam sa batas, baka lait-laiitin ako roon.
“Baka wala rin naman ako maiambag na batas, o dumating yung time na sayang din yung boto niyo sa akin.
“Napakahirap pasukin ng pulitika, kaibigan mo ngayon bukas kaaway. Mag-ama nag-aaway dahil sa posisyon. Sayang yung sinasabi nating paglilingkod da kapwa.ย
“COC? the last day of filing is tomorrow. Hindi ko kakayanin pumasok sa isang bagay na wala akong kakayahan. Dapat pag pinasok mo ang isang bagay dapat mag-excel ka at nakakagawa ng kabutihan at tama.ย
“Kabutihan lang ba dapat mong gawin kapag nasa senado ka? dapat marunong ka magbasa ng batas, dapat marunong ka gumawa ng batas.ย
“Sa araw na ito, tuloy-tuloy po ang Wowowin. Hindi ko po kailangan kumandidato, hindi ko po kailangan manalo, ang kailangan ko makasama kayo.
“Ako po si Willie Revillame, nanunumpa sa inyo na dito lang ako sa Wowowin at magsisilbi sa inyo.”
Dahil sa naging desisyon niyang ito, inulan siya ng papuri mula sa netizens.
Naging trending topic pa siya sa Twitter dahil dito.
Narito ang ilan sa mga tweets ng netizens.
Taas-kamaong saludo kay Kuya Willie Revillame dahil isinakripisyo niya ang kanyang kandidatura sa pagiging senador para patuloy na maglingkod sa bayan sa ibang paraan. Tinuturuan niya tayo na hindi kailangan ng posisyon para maglingkod sa taumbayan.
— J.V. AYSON (BAYAN MUNA for the win!) (@janvic19) October 7, 2021
Kuya Wil did what others canโt. Inuna ang bayan bago ang ambisyon sa desisyon nyang hindi pagtakbo sa 2022. Maraming Salamat Willie Revillame ๐
— Mstr Poly (@rgbfolloso) October 7, 2021
Bigyan niyo ng jacket si Kuya Wil! ๐๐ป pic.twitter.com/GsepT0hCCo
— Gideon V. Peรฑa (@attygideon) October 7, 2021
Gusto ko yung character development ni Willie Revillame. I like it.
— cc ๐ (@cchloemendoza) October 7, 2021
Hoy buti natauhan si willie. Bigyan ng jacket 'yan!!
— Jahna (@mrssarigdl) October 7, 2021
Willie Revillame >>>> Raffy Tulfo pic.twitter.com/exVxE2uKhe
— SAM (@somihathaway) October 7, 2021
In a world full of Pac-Mans, Be a Willie Revillame.
— King Santos (@heykingsantos) October 7, 2021
Willie Revillame sa kanyang desisyon na huwag tumakbo bilang Senador :
"kung sakaling tatakbo ako sa Senado.,
"Di naman ako marunong magenglish, wala akong alam sa batas.
Wala namang akong maiiambag sa (paggawa) ng batas."
"Baka dumating ang araw na masayang ang boto nyo"— Victoria Robles (@vikidotcom) October 7, 2021
Huy grabe ang speech ni Willie Revillame!! Super solid at isang malaking sampal sa mga politiko.
Super respect sir! Ramdam na ramdam ko bawat salita niya. Heโs speaking not as an entertainer but as a Filipino citizen!! ๐๐ผ
— Justin Vawter (@justinvawter) October 7, 2021
one person earned my respect today
Willie Revillame
— Jer / Erie / Wel /Joey (@eriecanja) October 7, 2021
Willie Revillame's statements about not running are all good!!! Tama. If hindi ka ready and wala ka namang alam sa mga batas, don't run. Di naman popularity contest yon. And he can still serve and help through his show. ๐ฏ๐
— ๐ป๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ (@HeyJirko) October 7, 2021
Wishing for Willie Revillame to have a long long life cause he deserves it. sana ganito mag isip lahat ng tao. Salamat Panginoon at meron paring may mabubuting puso.
— Shan Villanueva (@shannsky_) October 7, 2021
Willie revillame gained my respect! Kudos to you! ๐๐
— stitcholic (@stitcholic626) October 7, 2021
"Willie Revillame"
This man just earned my respect. Imagine turning down the request of a very popular President because he knows he is not yet qualified for the job? That is called WISDOM.
Congratulations!
— The Unwavering Spirit (@deathmagnetic24) October 7, 2021
I admire Willie Revillame's honesty. Talagang sinabi niya na wala siyang alam sa paggawa ng batas at baka wala siyang maiambag na batas. Kaya di siya tatakbo sa pagka-Senador kahit na ang Presidente na mismo ang nagsabing tumakbo siya. Be a Willie in a world full of *bleeeep*.
— M. ๐ (@imryemacalatan) October 7, 2021
well totoo naman kase na kung tutulong, tutulong yan di kailangan ng pwesto sa gobyerno or what diba willie revillame ๐
— Quinn (@clientquinn) October 7, 2021
Can't believe I'm saying this (might actually delete later, I dunno) but found a new respect for Willie Revillame today. He's friends with the leaders of this government, sure, and was being encouraged by them to run for senate, but he knows his place and decided not to ๐๐ผ
— Denise Mallabo – Kim ๐น๐๐ง (@denisemallabo) October 7, 2021
Na wowowin kayo ni kuya will na realtalk sa mga tumatakbong pulitiko hahaha Willie Revillame sakalam
— ๐งSheeymzโ๏ธ (@Star_yehsreh) October 7, 2021
Pacman, si Willie Revillame tutulong pa rin sa taumbayan kahit hindi tatakbo. Hindi mo rin kailangan tumakbo para tumulong sa bayan. Matuto ka sana.
— thgindiM reniD (@ThgindimR) October 7, 2021