TRENDING: PBB celebrity housemate Madam Inutz at ang gusto niyang dalhin sa Bahay ni Kuya

Trending sa Twitter ang online seller na si Daisy Lopez o mas kilala bilang Madam Inutz matapos ang announcement ng unang batch ng Pinoy Big Brother (PBB) celebrity housemates.

Isa nga si Madam Inutz sa tatlong celebrity housemates na ipinakilala kahapon, October 6.

Ipinakilala siya ng PBB bilang ang “mama-bentang live seller ng Cavite.”

Matatandaang unang nakilala sa online world si Madam Inutz matapos mag-viral ang ilang live selling videos niya dahil sa kakaibang style ng pagbebenta.

Maliban kasi sa tipikal na pagbebenta ng items ay bumenta rin sa netizens ang pabirong pagmumura niya sa mga nanonood sa kanya.

At dahil sa kinagiliwan ng netizens ang pagiging totoo ni Madam Inutz, inaasahan din nila na mananatili ang pagpapakatotoo at pagiging prangka nito sa loob ng PBB house.

Sa Kumu Live niya kagabi habang nag-eempake ng mga gamit na dadalhin sa bahay ni Kuya, diretsahan niyang tinanong kung pwede niyang dalhin ang kanyang d*ldo.

“Dapat maraming dala… Pwdeng magdala ng d*ldo do’n? Kasi anjan ang d*ldo ko. Reality show ‘yon, kelangan totoo.”

Dahil dito, naging trending topic tuloy siya agad sa Twitter.

Narito ang ilan sa mga tweets ng netizens.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: