Nurse sa isang vaccination center, kinakiligan ng netizens

Humakot ng million views ang isang video na ibinahagi sa Facebook page na Madam Ely.

Kinakiligan kasi ng netizens ang lalaking nurse na nagbabakuna sa video.

Tinawag pa nga ito ng ilan na ‘destiny’ dahil natiyempuhan ng babae sa video na ang lalaking nurse ang nagbakuna sa kaya sa parehong first at second dose ng kanyang vaccine.

Walang pagkakakilanlan sa lalaking nurse maliban sa unipormeng suot nito na may mga letrang BFP.

Ayon sa ilang komento, isa itong nurse na nagtatrabaho rin sa Bureau of Fire Protection.

Bagama’t may suot na mask, lutang pa rin ang pagiging magandang lalaki nito na napansin ng mga netizen.

Lutang din ang kakisigan nito na lalong nakabihag ng atensiyon ng ilang nagkomento sa video.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

“Dapat lahat ganito para lahat magpavaccine na😂

“Simpleng solusyon lang to increased the rate of vaccinated filipinos.”

“If single mom siguro pwede ang madaming dose para mas lalong safe para sa kids hirap maging nanay tatay sa 3 kids….pwede po ba 3rd and 4th dose…basta ganyan ka pogi ang mag vaccine”

“AYAN KAYO PAG GWAPO GUSTO AGAD MAGPAVACCINE 🤷san nga pala yan??”

“san to prang gusto kong magpavaccine ulit HAHAHA🤣”

“Baka kaya ayaw mo pa magpabakuna dyan, dito mo pala gusto”

“Jusko papatusok nako kahit saan”

“Ang swerte ko non nag pa vaccine ako ang gwapo din ng nag turok skin”

“kung lahat nang mag tuturok sayo ganyan ka pogi di momararam daman tusok nang karayom”

“Sana e ganito man lang ngturok stin baka sakaling di pa nasaktan HAHAHAHA”

“asan yung mga panget na nag tuturok ?? tng ina nyo basta gwapo no trending hahaha”

“sorry Wala pa pala ko vaccination card pede ulit?”

“ang harot madam btw san ng po yan ? charr 🤣🤣”

“Parang na inspire ako mag pa vaccine kahit takot ako sa needles. San po?”

“Dapat pala dito ko nagpavaccine hahahaha char”

“PARANG GUSTO KO NANG MAGPA VACCINE SA LAHAT NG VACCINE AHH ! SAAN BA TO ?”

“1st and 2nd shoy same pa din un nag vaccine!!!wow destiny naba yarn”

“baka gusto nyo magpa-vaxx ulet? 3rd dose ganern hahaha”

“Hahahaha bakuna na may kasamang harot haha”

“pa vaccine tau ulit kahit ilang dose pa pwede haha 🤣🤣🤭”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: