Ilang netizens ang nakapuna na patuloy umanong nalalagasan ang bilang ng YouTube subscribers na tinaguriang ‘pambansang sumubungan ng bayan’ na si Raffy Tulfo.
Mula sa dating mahigit 22 million subscribers ay nasa 21.7 million na lamang ito, as of this writing.
Samu’t sari ang ispekulasyon ng netizens hinggil sa nasabing pagbawas ng numero.
May ilang nagsabi na tila may kinalaman dito ang pag-guest ni Tulfo kamakailan sa ABS-CBN musical variety show na ASAP Natin ‘To.
Pagkatapos kasi ng nasabing guseting ay may binitiwang pahayag si Tulfo sa kanyang sariling programa.
“Dati rati nagge-guest na ako sa ABS-CBN noon pa, maraming taong masaya pero ngayon malulungkot sila.
“Wag kayong malungkot dahil (sabay bilang sa mga daliri) ‘yan na lang (walong daliri) or pwede natin sabihing 9, 10, 10 months kasi 10,000 kasing nawalan ng trabaho. Kung puwedeng baka sabihin ni Lord, ‘sige 10 months okay na ulit.
“Sa 10 months na ‘yan, malay mo magbabanggaan ‘yung 16 million versus 42 million subscribers. Na gets mo? Kung i-combine mo pa baka 50 million ano versus 16 million? Alin mas marami doon?”
@alyanah0723 #RaffyTulfoVsDDS #notoDilawan #notoantigovernment #notoabscbnfranchiserenewal !#MARCOSDUTERTE2022 #UNSUBSCRIBERAFFYTULFO ♬ original sound – Alyanah Love
Tila hindi nagustuhan ng mga tagasuporta ng administrasyong Duterte ang pagkukumpara ni Tulfo sa bilang ng bumoto sa pangulo (16 million) at bilang ng kanyang YouTube subscribers (42 million).
Nilinaw naman ni Tulfo na wala siyang balak na kalabanin ang pangulo.
Sa katunayan ay tinanggihan niya umano ang alok na kumandidato siya sa pagka-bise presidente.
“Meron pong mga naghikayat sa akin na maging ka-tandem nila para maging bise presidente this 2022 elections, at yun po ay tinanggihan ko.
“I said no. Why? Dahil mataas po ang respeto ko kay PRRD, kay Pangulong Duterte. At wala po akong intensiyong babanggain siya sa darating na halalan.”
Sa kabila nito, ilang netizens pa rin ang nagsabi na patuloy umano ang pagbaba ng subscribers ni ‘Idol.’
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.
“Lumaki na kasi ang ulo mo, ayan tuloy.”
“Di mo na mababawi yung unan mong sinabi. HAHAHA”
“Idol pa naman kita tapos ganyan ang sinasabi mo.”
“Bakit nyo ba inaaway si Tulfo? Baka ipa-Tulfo kayo nyan. Hehe”
“Dun tayo sa totoo. Support pa rin kami sa’yo, Idol Tulfo!”
“Wala naman masama sa sinabi nya. MAsyado lang kayong balat-sibuyas.”