Mula sa pagiging Kapamilya sa loob ng labing-anim na taon, tuloy na tuloy na ang paglipat ni Kim Atienza sa bakuran ng GMA Network.
Kinuhanan na noong Martes, September 28, ang opening break bumper (OBB) ng bagong show ni Kuya Kim sa Kapuso Network.
Sa ilang kumalat na larawan, makikitang nakasakay si Kuya Kim sa kanyang motorsiklo, nakasuot ng leather jacket, denim jeans, at boots.
Kinuhanan ito sa entrance at lobby mismo ng GMA Network sa Timog Avenue, Quezon City.
May ilang netizens na nagdududa at nagsasabing fake news umano ang pagtawid niya sa kabilang bakod ngunit nagpahiwatig na rin mismo si Kuya Kim sa kanyang Facebook Live noong Martes ng gabi.
“Alam ko bakit napakaraming mga viewers natin ngayon, lalung-lalo na sa Facebook, kasi may mga kumalat na post tungkol sa mga gagawin ko daw sa mga susunod na araw, mga desisyon na gagawin ko sa mga susunod na araw.
“For those who follow me here on Facebook and YouTube, Kuwentuhan with Kuya Kim, remember, a couple of weeks ago, I was… I told you to pray for me because I am in transition. Remember that?
“I will always be very truthful to you, my Facebook and YouTube followers, utang na loob ko sa inyo for following me and for being with me through hard times and good times.
“And that period of transition is still ongoing. Transition.
“What does transition mean? Transition is moving from Point A to Point B.
“This is what I can say: the transition is real.”
Tinawag din ni Kuya Kim na “historical day” para sa kanya ang TV Patrol episode ngayong Biyernes, October 1.
“I cannot tell you any specifics, any specific as to what transition, to where, and the details.
“But I would highly suggest that you watch me on TV Patrol this coming Friday. It will be a very historical day for me on TV Patrol on Friday.
“Watch TV Patrol on Friday, and watch my segment on TV Patrol on Friday, and I’ll be truthful.”
Samantala, nag-react ang netizens jhinggil sa nasabing latest network transfer.
Narito ang ilan sa kanilang mga tweets.
LEAVING KAPAMILYA? ABS-CBN resident Weatherman Kuya Kim Atienza is reported to make a big switch from being a Kapamilya to Kapuso pic.twitter.com/3VziSbVmxw
— Panther (@Panther_MJG) September 28, 2021
Noooo! Hahayaan sila ng mga bossess na lumipat?😭😭😭
— 𝘾𝙃𝘼𝙆𝘼𝙋𝙐𝙎𝙊 (@ChakapusoPH) September 28, 2021
is it true that Kuya Kim is transferred to GMA right??? anyway what happen to Mang Tani????
— Shivaker (@itsdeymtaym) September 28, 2021
kuya kim's transfer to gma hurts more than b**'s. no hate for girly, idk why it just does. i feel like KK will bring so much to their table lalo na kung bibigyan sya ng panibagong science-environmental educational show 🙁
with that being said RIP Matanglawin, you will be missed
— dan, shota ni yeonjun (@dgcrx) September 28, 2021
Kuya Kim transfer to GMA, will more heartbreaking than Bea, we all know what's Kuya Kim can do. He can make a lot of things. But sorry Kuya Kim. #KapamilyaForever parin ako😊
— jepoy (@mrjep0y__) September 28, 2021
Givesung na natin si Kuya Kim for GMA.
Wala siyang unfinished business sa dos and at the same time, wala na ding Matanglawin.
If GMA offered him a show sa news and lifestyle department, go lang.
Tsaka lumaban si Kuya Kim sa franchise and kung saan siya mapunta, support ❤️💚💙
— ALTStarMagic | #LabanLeni2022 ✨ (@AltStarMagic) September 28, 2021
yan din iniisip ko eh kung bakit "lilipat" si kuya kim eh nandun naman si mang tani na also iconic sa gma news pero baka may offer na new show ang gma sa kanila
sana talaga rumors lang and not true huhuhu https://t.co/snnVtyF582
— Alt Star Music PH (@AltStarMusicPH) September 28, 2021
Anu-ano kayang projects ang inilatag ng @gmanetwork kay Kuya Kim Atienza? Si Mang Tani Cruz pa rin kaya ang magbibigay ng weather news updates sa mga Kapuso? Abangan! pic.twitter.com/JMiVZuU0Ff
— Empress K (@EmpressKxxx) September 28, 2021