Yen Santos, usap-usapan ulit sa social media matapos mag-delete ng Instagram posts

Muling naging sentro ng usap-usapan sa social media ang aktres na si Yen Santos.

Ito ay matapos niyang burahin ang lahat ng kanyang Instagram posts.

Mayroon siyang 2 million followers at kamakailan ay binura din niya ang lahat ng kanyang pina-follow sa nasabing social media site.

Naging palaisipan tuloy sa netizens kung bakit biglang nagdesisyon ang aktres na alisin ang lahat ng kanyang posts.

Matatandaang nadawit ang pangalan ng aktres sa hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes.

Naging leading man niya si Paolo sa pelikulang A Faraway Land, at sinasabing dito nagsimulang maging malapit sa isa’t isa ang dalawa.

Nadamay ang aktres sa nasabing hiwalayan nang magsimulang kumalat sa social media ang candid photos nila ni Paolo na magkasama umano sa Baguio.

Nilinaw naman ni Paolo na bagama’t magkasama sila ng aktres sa Baguio ay nakipagkita lamang daw ito sa kanya “as a friend.”

Nanatiling tahimik si Yen sa pagkakasangkot sa nasabing issue.

At muli nga siyang naging usap-usapan dahil sa ginawa niya sa kanyang Instagram account.

NArito ang ilang komento ng netizens hinggil dito (published as is).

“Nabalitaan din nya kc si Paolo na… sinusuyo nya si LJ. Ayun na hurt delete delete.”

“Guilty beyond reasonable doubt? Like ko pa naman sya sa Halik. Nagkabaliktad yata 🤣”

“Parang siya na rin MISMO umamin na totoo Ang balita , MORE THAN JUST A FREIND talaga sila. Kakahiya naman Kung ganun, artista pa naman”

“dami kc b4sher hahaha kya binura nlng pero kht burahin mo p yan kht burahin mo lht ng social media account mo hindi n mgbbago tingin ng tao sayo”

“It’s simple pag dika involved kahit ang Mundo pa Ang humusga sayo Wala Kang Pakialm kc Alam mo sa sarili mo”

“Guilty.. Sana iniwasan na lng niya c paolo na di marun0ng makontinto kc alam naman niya na may 2 kids cla ni LJ..”

“ang lilinis kc ng mga tao dito maka judge wagas. dapat di nalang kau nakikialam wala naman kaung naitutulong sa tao . puro kau panghuhusga hindi naman kau Diyos.”

“That means may something tlga sila. Why would u feel so guilty and do things like that kung wala diba? Apektado sia kasi totoo.”

“Oh Lolit any update why she deleted all of her post ? Bagal aba ngayon ka lumabas need an update ASAP ! Lol”

“Malamang gusto nya ng katahimikan.. Wala kasi kyong ginawa kundi, alamin kung anung galaw niya..”

“Ok lang yan i delete lahat di nman ako naka follow eh atsaka diko nmn ikaka yaman yan sa pakikialam ko sa kanila.”

“Habang buhay alas tingin sayo ng mundo kaya kahit ei delete mo pa lahat yan di na mabubura yung nagawa mo”

“di nyo pa alam kung ano talaga ang totoong nangyare .kung mang huhusga kayo make sure na mga santa at santita kayo”

“Stressed na c Yen sa isyu tigilan nyo na baka as a friend lng tlga ung sa baguio 🤣”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: