Batang walang face mask, tinangka umanong posasan matapos sitahin ng barangay volunteers

Nag-viral sa social media ang panawagan ng isang netizen tungkol sa pamangkin ng kanyang asawa.

Sa isang Facebook post ay ibinahagi ni Raymart Encinares ang pangyayaring naganap sa San Andres, Cainta, Rizal.

Binanggit din niya sa nasabing post ang programa ng sikat na TV at radio personality na si Raffy Tulfo para humingi ng tulong dito.

Narito ang kabuuan ng kanyang panawagan.

“idol #raffytulfoinaction, pki aksyunan naman po itong insidenteng ito na sa simpleng violation lamang hahabulin na nila at poposasan pa…

“hnd tamang paninita… ito po ang aktual na kuha ng nangyre kaugnay dito sa hnd tamang paninita ng MEDIC volunteer rider sa planters brgy.san andres cainta rizal sa pamangkin ng asawa ko”

“makikita din dito na pauwe na ang bata hahabulin pa at pag tatangkaan na posasan kaya sinasakal..

“makikita din po sa video na sinasaway na sila ng asawa kong buntis hnd pa nila pinakakawalan sa pag kakasakal ang bata hnd naman din po nanlalaban ang bata..

“sana po maaksuyan po ito ng kinauukulan

“paki tulungan naman po kami tungkol dito para makarating sa kinauukulan…

“please pa share naman po”

Samantala, hati naman ang naging reaksiyon ng netizens tungkol sa video.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Wala nman operation to permit yang mga medic na yan para manghuli..trabho nila mag rescue ng mga naaksidente hnd manghuli mga gungg0ng..pabida”

“wla kau mga karapatang manghuli,pwd p siguro mangsita lng pagsbhan may 1st,2nd and 3rd offense nmn db”

“Barubal siguro sumag0t kaya ganyan ngyari.”

“bat sya hahabulin ng ganon, malamang may sinabi yan na di maganda kaya ganyan ngyari.”

“Minsan sir raffy tulfo kumakampi din minsan sa barangay tanod kapag pandemic lalo kayo diin ng tanod kaya mag ingat kayo”

“pilipino nga naman… pag sinita at pinatupad ang protocol, masama ang kinaokolan, pag nagka hawaan sisihin pa din kinaookolan,,,, HAYS PILIPINO!!!!!!!”

“Yan ang hirap sa mga volunteer.. Kung makaasta daig pa police.. di mag iisip kala nila di sila mabubug porker volunteer sila hahahaa”

“Kahit maliit man o malaki ang nagawang mali eehhh mali parin yun, kpal nang mukha nyo magpatawag kay tulfo, baka kayu pa ang pagagalitan ni tulfo”

“Mag mask kasi kayo kung ayaw nyo masita simple lang ok”

“Pa victim din kayo ehh sumunod kase kayo sa protocol! Mga psaway din kase kayo! At maangas pa pag nasita”

“Rinig na rinig da video nag bbanta ung lalaki “PAG AKO NKAWALA DITO” ndi daw nnlalaban? Mga wala kaseng disiplina sinabe na mag mask pag nasa labas ng bahay”

“kayo na nga may mali kau pa matapang tama lang naman na walang facemask tapos kayo pa may ganang mag sumbong asa kayo”

Panoorin ang nasabing video dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: